Karapatan ng mga katutubo sa lupang ninuno, hindi natutugunan ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,665 total reads

Ang usapin ng karapatan ng mga katutubong Lumad sa kanilang lupang ninuno ay nananatiling isang mahalagang suliranin na dapat na bigyang pansin ng pamahalaan.

Ito ang binigyang-diin ni Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ – out-going Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Inter-Religious Dialogue sa naganap na 1SAMBAYAN Virtual Townhall: Simbahan at Bayan kaugnay sa mga usaping hindi dapat balewalain o isantabi ng pamahalaan.

Ayon sa Arsobispo, ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga lupang ninuno ay bahagi ng ‘principle of the universal destination of goods’ na ipinagkaloob ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Paliwanag ni Archbishop Ledesma, ang biyaya ng Panginoon ay hindi lamang para sa iilan sa halip ay para sa lahat upang patas na pakinabangan at higit pang palaguin.

“From the point of view of the Catholic Social Teaching, we first emphasize the right of a Lumad community to its ancestral domain area and this is actually connected with the principle of the universal destination of goods that God in His own benevolence has allotted a world for everyone to partake of and not only for a few, and this is the issue now of social justice and the common good for everyone,” pahayag ni Archbishop Ledesma

Pagbabahagi ng Arsobispo, mahalagang matutukan at masolusyunan ng kasalukuyan o susunod na administrasyon ang naturang sitwasyon ng mga katutubo sa bansa na mahalaga at malaki ang ambag sa pagpapanatili ng likas na yaman na tinataglay ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Archbishop Ledesma ang patuloy na pagsusulong ng Simbahang Katolika sa mga karapatan ng mga katutubo partikular na ang mga Lumad sa kanilang mga lupang ninuno.

“We hope that this kind of situation can be address by the present authorities and we also in the church can continue to advocate for the rights of this Lumads communities,” dagdag pa ni Archbishop Ledesma.

Sa tala nasa 14 hanggang 17 milyon ang populasyon ng mga Indigenous Peoples sa bansa na halos karamihan o 61-porsyento ay nasa Mindanao.

Nakasaad naman sa Republic Act 8371 o mas kilala bilang “Indigenous Peoples Rights Act” o IPRA ng 1997 ang pagkilala sa karapatan ng mga Lumads na pamahalaan ang kanilang lupang ninunong saklaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 4,930 total reads

 4,930 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 44,520 total reads

 44,520 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 79,971 total reads

 79,971 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 306,241 total reads

 306,241 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 199,372 total reads

 199,372 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top