Pagpapahintulot ng IATF sa paglabas ng mga bata, suportado ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 466 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na pahintulutan na ang paglabas ng mga bata edad 5-taong gulang pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, kabilang sa mga karapatan ng mga bata ay ang kalayaan na makapaglaro at makibahagi sa iba’t ibang mga social at recreational activities na mahalagang bahagi sa paghubog ng kanilang pagkatao.

Gayunpaman, umaasa ang CHR sa patuloy na pagsunod ng bawat isa sa mga safety health protocol upang matiyak ang kaligtasan ng lahat partikular na ng mga bata.

“Children have the right to leisure, play, and recreational activities. This is crucial to their development and well-being while also enabling their participation in the community’s cultural, social, and artistic life. The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the move of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) to allow children aged 5 and above to go outdoors in areas under general community quarantine (GCQ) and modified GCQ, as long as the areas are not under heightened restrictions,” pahayag ni de Guia.

Ipinaliwanag ni Atty. de Guia na ang pangangalaga sa kapakanan, karapatan at dignidad ng mga kabataan ay isang tungkuling dapat na gampanan hindi lamang ng mga magulang kundi ng bawat isa sa komunidad.

Pagbabahagi ng opisyal, mahalagang kasabay ng pagbibigay halaga sa mga simpleng karapatan ng mga kabataan ay matiyak rin ang kanilang kaligtasan mula sa COVID-19.

“The preservation of the children’s well-being and dignity is a collective responsibility. We must still ensure that children will suffer no further harm and that their best interest and basic rights are prioritised as we continue to hurdle through this pandemic,” dagdag pa ni Atty. de Guia.

Unang binigyang diin ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care na mahalagang matugunan ng pamahalaan, Simbahan at iba pang sektor sa lipunan ang epekto ng pandemya sa kaisipan ng bawat mamamayan partikular na sa mga kabataan.

Sa tala ng Social Weather Station survey noong Hulyo ng nakalipas na taong 2020, 84 na porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng depression dahil sa epekto ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 115,197 total reads

 115,197 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 252,955 total reads

 252,955 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 368,730 total reads

 368,730 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 484,552 total reads

 484,552 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top