VeritasPH

The Word, The Truth

 300 total views

Mga Kapanalig, 11 buwan na lang ay matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit ayon sa isang miyembro ng Presidential Legislative Liaison Office o PLLO noong Biyernes, hindi na prayoridad ng pangulo ang pagpirma ng panukalang-batas na nais wakasan ang endo (o end of contract) o kontraktwalisasyon sa bansa. Ang pagtuldok sa endo ang isa sa mahahalagang pangako ng pangulo noong panahon ng kampanya.

Nililimitahan ng endo (na kilala ring 5-5-5) ang kontrata ng mga manggagawa sa loob ng lima hanggang anim na buwan. Ibig sabihin, walang permanenteng trabaho ang mga manggagawa sa ilalim ng endo, at hindi nila nakakamit ang mga benepisyong itinakda ng batas na matatanggap ng isang regular na manggagawa. Talamak ang endo sa maraming kumpanya kaya naman maraming manggagawa ang umasa sa pangako ni Pangulong Duterte.

Sinubukan ng administrasyong aksyunan ang suliraning ito ngunit talagang mailap ang pagkakaroon ng batas na magbibigay ng ngipin sa Labor Code upang tuluyang wakasan ang endo. Nariyan ang patuloy na pagbabantay ng Department of Labor and Employment (o DOLE) sa mga mapang-abusong kumpanyang lumalabag sa inilabas nitong Department Order No. 162 noong 2016 at Department Order No. 174 noong 2017. Kasabay ng mga ito ang masugid na pag-iinspeksyon ng kagawaran sa mga kumpanya, at nagbunga ito sa pagre-regular sa mahigit 600,000 manggagawa mula Agosto 2016 hanggang Mayo 2020.

Noong Mayo 2018, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive No. 51 na naglalayong ipagbawal ang iligal na contractualization at protektahan ang karapatan ng mga manggagawa. Nang lumaon, inamin niyang “walang ngipin” ang EO na iyon, at hinikayat ang Kongresong trabahuhin ang Security of Tenure bill. Sa kabila nito, hindi pinirmahan ni Pangulong Duterte noong July 2019 ang consolidated Senate Bill No. 1826 at House Bill No. 6908. Aniya, masyadong malawak ang depinisyon ng “labor-only contracting” sa panukala at kinakailangang bigyang-laya ang mga negosyanteng pumili ng mga gawain sa kanilang operasyon na posible ang mga kontraktwal na manggagawa.

Malinaw ang mga panlipunang turo ng Simbahan na dapat igalang ang karapatan ng mga manggagawa sapagkat nakabatay ito sa kanilang dignidad bilang tao. Ang paggawa ay mahalaga upang matugunan natin ang ating mga pangangailangan at makapamuhay tayo nang marangal. Samakatuwid, ang pagyurak sa karapatan ng mga manggagawa ay tahasang pang-aabuso sa kanilang dignidad. Kinakailangang tandaang ang kaunlaran ng ekonomiya ay hindi lamang nasusukat sa dami ng produktong ating nalilikha, ngunit sa paraan ng paglikha at kalagayan mismo ng mga lumilikha.

Ang karapatang magkaroon ng seguridad sa trabaho at makamit ang mga benepisyong itinakda ng batas ay ilan lamang sa mga karapatang ipinagkakait ng endo sa mga manggagawa. Ito ang mga karapatang ipinagakong ipagtatanggol ng pangulo noong sinusuyo niya ang mga botante. Ngunit ang pangakong ito ay hindi na prayoridad ng pangulo ngayong papalapit na ang pagbaba niya sa puwesto.

Mga Kapanalig, mahalagang tiyakin ang pagyabong ng mga negosyo, ngunit kasabay dapat nito ang pagsusulong ng makatarungang kalagayan ng mga manggagawa. Tulad ng pangaral sa Isaias 1:17 na “…gumawa ng makatuwiran, pairalin ang katarungan, tulungan ang naaapi,” sumama tayo sa paniningil sa pangako ng pangulong wakasan ang endo. Huwag natin hayaang mapako ang pangakong magkaroon ng makaturungang buhay-paggawa sa bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,624 total views

 4,624 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,381 total views

 10,381 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,644 total views

 17,644 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,629 total views

 25,629 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,165 total views

 33,165 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 4,625 total views

 4,625 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 10,382 total views

 10,382 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 17,645 total views

 17,645 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 25,630 total views

 25,630 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 33,166 total views

 33,166 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,867 total views

 46,867 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,909 total views

 54,909 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,466 total views

 46,466 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,891 total views

 44,891 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,677 total views

 46,677 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,602 total views

 43,602 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,916 total views

 57,916 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,606 total views

 61,606 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,209 total views

 60,209 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,196 total views

 70,196 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top