Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga ng mga katutubo sa Sierra Madre, ibinabahagi

SHARE THE TRUTH

 488 total views

Kasalukuyang sumasailalim sa seminar ang mga katutubo, mga taga Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa pangangalaga sa mga kabundukan partikular na ang Sierra Madre.

Ayon kay Fr. Pete Montallana, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, sa nasabing seminar na nagsimula noong September 23, 2016, ipinapaalam kung paano pinapangalagaan ng mga katutubo ang nasabing kabundukan.

Nagagalak din ang samahan dahil sa todo-suporta ng DENR sa gawain sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa pamamagitan ng kooperasyon ng Biodiversity Management Bureau ng DENR.

“Marami kaming katutubo ngayon dito sa Wildpark nag-seminar mula Sept 23 hanggang ngayon…ito ay tinipon namin na may cooperation ng Biodiversity Management Bureau ng DENR at Save Sierra Madre Network Alliance at iba pang agency para malaman paano inaalagaan ng mga katutubo ang Sierra Madre sa daang daang taon,” ayon kay Fr. Montallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, labis na nagagalak ang pari dahil katuwang nila ang DENR sa pangangalaga ng Sierra Madre lalo na ng sabihin ni secretary Gina Lopez na haharangin nila ang road widening project dito sa pamamagitan ng pagpapagawa ng highways sa pusod ng kabundukan.

Mariin ding tinututulan ng Save Sierra Madre Network Alliance ang planong P18.7 Bilyon na pagpapatayo ng dam sa lugar ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sinasabing sa buong mundo, matatagpuan sa Sierra Madre ang pinakamaraming endemic species at ito ay may lawak mula Cagayan Valley hanggang Bicol region.

Sa encyclical on ecology na Laudato Si ni Pope Francis, mariin nitong hinihimok ang mga mananampalataya na pangalagaan ang kalikasan upang magkaroon pa ng kinabukasan ang mundo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 137,410 total views

 137,410 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 145,185 total views

 145,185 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 153,365 total views

 153,365 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 167,957 total views

 167,957 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 171,900 total views

 171,900 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Environment
Veritas Team

Earth Hour 2020 goes digital

 4,891 total views

 4,891 total views March 11, 2020, 3:39PM Mula sa malakihang aktibidad, ipagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng Social Media ang Earth Hour 2020. Ang Earth Hour

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top