Pangigipit ng China sa mga mangingisdang Filipino, pinalagan ng mga obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,262 total views

Nagkaisa ang mga diyosesis ng Pilipinas upang manindigan para sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa Joint Pastoral Exhortation nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Auxillary Bishop Fidelis Layog, Iba Bishop Bartolome Santos, San Fernando La-Union Bishop Daniel Presto, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Puerto Princesa Socrates Mesiona, kinakailangan ang pagtatanggol ng bansa para sa kabuhayan ng mga mangingisdang patuloy na nakakaranas ng paniniil ng China at pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa pahayag ng mga obispo, lubha ng naapektuhan ng patuloy na paniniil ng China ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino na dapat sana ay malayang nakakapangisda sa ating mga teritoryo.

“Mga kapatid na maliliit na mangingisda, paninindigan po natin ang ating karagatan at palaisdaan, hindi tayo busabos ng mga banyagang magnanakaw ng ating huling yamang dagat.” ayon sa Joint Pastoral Exhortation ng mga Lider ng simbahan.

Sinabi pa ng mga obispo na kinakailangang isagawa ng pamahalaan ang lahat ng legal na paraan para sa mga teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas upang magamit hindi lamang ng kasalukuyan kundi ng susunod na henerasyon.

“We seek peace, and it cannot be a moral option to wage war.” ayon pa sa pahayag.

Dagdag pa ng mga obispo: “All legal means must be exhausted so what nature has so bountifully bestowed on us may be ours and may feed generations of Filipinos yet to be born and if present diplomatic endeavors do not suffice, then it is permissible-morally necessary even -to have recourse to the friendship of allies who can help us defend what is ours.”

Panawagan pa ng mga obispo sa bawat mananampalataya, na ipagtanggol ang karapatan at kinabukasan ng mga Filipinong mangigngisda at kanilang pamilya na salat din sa tulong mula sa pamahalaan.

Tagubilin naman ng mga pinunong pastol sa mangingisda ang pangangalaga sa karagatan at maging mabuting katiwala ng yamang ipinagkaloob ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 78,349 total views

 78,349 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 100,459 total views

 100,459 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 175,634 total views

 175,634 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 173,804 total views

 173,804 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radio Veritas, kinilala ni Bishop Santos

 5,657 total views

 5,657 total views Nagsisilbi ang himpilan ng Radyo Veritas bilang ilaw para sa mga Pilipino at mananampalatayang nangangailangan ng katotohanan tuwing nakakaranas ng sakuna, pangamba at

Read More »
Scroll to Top