Obispo sa mga delegado ng Diocesan Clergy of Mindanao Convention: Pangalagaan ang bokasyon, kawan ng mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,949 total views

Hinimok ni Marbel Bishop Cerilo Casicas ang mga kapwa pastol ng simbahan na pagtuunan ang mga pamayanang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 46th Diocesan Clergy of Mindanao Convention sa misang ginanap sa Christ the King Cathedral sa Koronadal, South Cotabato.

Ayon kay Bishop Casicas, ang kawang pinangangalagaan ang nagpapaalala sa bawat pari ng prensya ng Panginoon kaya’t nararapat pahalagahan ang bokasyon.

“Gihagit kita na tan-awon kining mga tawo. They are the object of our ministry’s evangelization, they become signs of God’s presence to us,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Casicas.

Nagsimula ang pagtitipon ng Mindanaoan clergy nitong February 5 at magtatapos sa February 7 sa temang ‘DCM: Walking together with hope in the path to integral ecology.’

Mahigit 500 mga pari at obispo mula sa 21 episcopal sees ang nagtipon kabilang ang DADITAMA (Davao, Digos, Tagum at Mati; CABUSTAM (Cagayan, Butuan, Surigao, Malaybalay); ZAMBASULI (Zamboanga, Basilan, Sulu, at Ipil); KIDMACO (Kidapawan, Cotabato at Marbel), at ang DOPIM (Dipolog, Ozamis, Pagadian, Iligan at Marawi).

Unang kinilala ng mga lider ng simbahan sa Mindanao ang mga naunang pastol sa rehiyon na nagpasimula sa Mindanao-Sulu Pastoral Conference noong 1971 kung saan nakaugalian ang pagtitipon tuwing ikatlong taon.

Kabilang sa mga tampok at magandang bunga ng mga simbahan sa Mindanao ang basic ecclesial community o BEC na unang pinasimulan ng mga dayuhang misyonero noong 1960’s kasunod ng Vatican II na mas pinaigting matapos ang matagumpay na Mindanao-Sulu Pastoral Conference.

Tampok sa tatlong araw na pagtitipon na magtatapos sa February 7 ang mga panayam nina DCM Vice President Fr. Rey Raluto na tatalakay sa tema ng pagtitipon habang pangungunahan naman ni Archdiocese of Cotabato Vicar General Fr. Ben Torreto ang paglalahad sa kasaysayan ng Diocesan Clergy of Mindanao.

Magkakaroon din ng iba’t ibang sports event ang mga pari at pagpupulong ng Mindanaoan Bishops para sa mahahalagang usaping panlipunan at pansimbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,027 total views

 24,027 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,041 total views

 74,041 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 69,910 total views

 69,910 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 105,695 total views

 105,695 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 112,966 total views

 112,966 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top