Pangunahan ang paglilingkod at pakikipagkasundo sa kapwa, apela ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 378 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat isa, mga binyagang Layko; inordinahang Pari at nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon na pangunahan ang paglilingkod at pakikipagkasundo sa kapwa.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Tagle sa ginanap na Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa Paco, Catholic School sa Manila.

Naging paksa ni Cardinal Tagle ang ‘Ordered one another (LG10): Communion on service and gifts’ kung saan inilahad ito sa tatlong punto.

Una ayon kay Cardinal Tagle, ang pag-unawa sa pagkakaiba, at hindi pag-iisantabi sa halip ay pagbubuklod sa kabila ng pagkakaiba.

“Communion gives you identity. Pag-inalis ang ugnayan iba na. Dahil wala nang ugnayan. The relationship is possible because of difference, dahil sa ugnayan. The relationship guaranties and respect the differences,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ikalawa, inihayag ni Cardinal Tagle ang pakikibahagi ng bawat isa sa pagiging pari ni Kristo na naipapakita sa dalawang paraan – ang pagtalima sa Diyos Ama at malasakit o pakikiisa sa kapwa sa anumang larangan tayo ay nakapaloob.

At ang ikatlo, ang paghikayat sa bawat isa sa pagpapalalim ng ating pananampalataya sa Panginoon, o ang pagiging magka-ugnay sa kabila ng pagkakaiba ng gawain, maging ito man ay layko, pari o consecrated person.

“They are related to each other; or they are directed to each other; or focus on each other not on selves. They draw the priesthood of the other, encourage each other to live the priesthood of Christ. Priesthood not for ourselves but for the growth of lay, and lay can evoke to us by our ministerial priesthood. Evoke each other from holiness,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ito ang kauna-unahang MAGPAS sa taong 2018 na karaniwang ginawa anim na beses kada taon o tuwing makalawang buwan sa unang araw ng Sabado, kabilang na dito ang Philippine Conference on the New Evangelization na ginaganap tuwing buwan ng Hulyo.

Kabilang din sa dumalo sa pagtitipon sina Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity; Fr. Jason Laguerta, Executive Director ng Office of the Promotion of the New Evangelization at mga kinatawan ng mga parokya mula sa Archdiocese of Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,213 total reads

 35,213 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,718 total reads

 71,718 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,929 total reads

 89,929 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,257 total reads

 174,257 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,032 total reads

 210,032 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top