Paraan ng pangangampanya, sumasalamin sa integridad ng mga kandidato-Election watchdogs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 899 total reads

Nanawagan sa mga botante ang iba’t ibang election watchdogs sa bansa na maging mapanuri sa paraan ng pangangampanya ng mga kandidato sa nakatakdang May 2019 Midterm Elections.

Ayon kay Atty. Rona Ann Caritos, Executive Director of Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at Chairman ng Task Force Election, sinasalamin ng paglabag sa panuntunan ng pangangampanya sa halalan ng mga kandidato ang kanilang integridad sa paraan ng pamamahala sa oras na mahalal na sa pwesto.

“Yung sinasabi namin sa mga tao kung bakit huwag na nilang iboto yung mga nagpi-premature campaigning or early campaigning, may loophole sa batas na tini-take advantage ng mga kandidatong ito at kapag ngayon palang ay marunong na silang mag-take advantage or magtingin ng mga butas sa batas ay paano pa kaya kung sila ay nasa pwesto,” ang bahagi ng pahayag ni Atty. Caritos sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa inisyal na pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) bago pa man magsimula ang Campaign Period noong ika-12 ng Pebrero ay tinatayang umabot na sa P2.4 na bilyon ang halaga ng Campaign Ads ng mga kandidato mula January 2018 hanggang January 2019.

Hindi rin magkakatugma ang halaga ng inisyal na gastos ng mga kandidato sa kanilang idineklarang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net worth.

Kasabay ng paggunita ng Simbahang Katolika sa ‘Taon ng Kabataan’ ay mariing tinatawagan ng simbahan ang mga kabataan na aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan lalu na sa nakatakdang halalan dahil sa malaking papel na ginagampanan para sa kinabukasan ng bayan.

Sa tala ng COMELEC, 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,804 total reads

 41,804 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,964 total reads

 91,964 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,835 total reads

 139,835 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,784 total reads

 243,784 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,747 total reads

 327,747 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top