Philrailway Tech 2024, kinilala ng Office for Transportation Security

SHARE THE TRUTH

 13,635 total views

Kinilala ng Office for Transportation Security ng pamahalaan ang Philrailway Tech 2024 sa pagsama-sama ng mga nangungunang dalubhasa at propesyunal sa pagtatayo ng tren at riles.

Ayon kay Office for Transportation Security Assistant Secretary Jose Briones, malaking tulong sa transport sector ang pagdaraos ng Philrailway Tech 2024 kung saan mapapatibay pa ang mga pagpa-plano at paghahanda sa pagtatayo ng linya ng tren sa Pilipinas.

Sinabi ni Briones na sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang pag-unlad ng transportasyon sa pamamagitan ng mga railways.

“Nagpapasalamat tayo, unang-una sa mga organizers kasi napapagbigyan at naimbitahan ang Office for Transportation Security, naihayag natin yung ating ginagawa at yung ating katungkulan na sa pamamagitan,dito sa rail sector infact sa buong transportation sector na ang enhancement security sa ating transportation sector,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Briones.

Tiniyak ni Briones na bukod sa railway ay bukas din ang pamahalaan na makipagtulungan sa pribadong sector upang mapabuti at mapaunlad ang land, sea at aviation transport.

Ikinagalak din ni Mark Bronola, Head of Sales and Production ng Escom Events ang pakikiisa ng pamahalaan at mga nangungunang railway at technology company sa Philrailway Tech 2024 na idinaos sa temang “Tracks to Tomorrow: Exploring the Frontier of the Philippine Railway Tech”.

Inihayag ni Bronola na napagtibay nito ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sector upang higit na maisa-ayos ang transport system sa bansa.

“We have huge projects going on and we are looking forward to work directly with the government to expand the reach and also the off course the awareness in the Philippines cause it’s really growing when it comes to railway and maybe about 10 to 20 years we can say that our Philippine Railway Industry you know being like Japanese of Chinese when it comes to advancement or technology” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bronola.

Suportado ng kanyang Kabanalang Francisco ang mga katulad na hakbang sa pagpapaunlad ng transport sector na magdudulot ng mas maayos na pamumuhay para sa mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 33,067 total views

 33,067 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 44,072 total views

 44,072 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,877 total views

 51,877 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,804 total views

 67,804 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,933 total views

 82,933 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top