Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

SHARE THE TRUTH

 18,284 total views

Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024.

Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na kemikal.

Ang mensahe ni Dizon ay mula sa ginanap na lecture forum na may paksang “Community and Collaboration: Uniting to Prevent Poisoning,” sa Brgy. Sto. Niño, Galas, Quezon City nitong Hunyo 27.

“Aside from common household items that are explicitly hazardous, there are also everyday children’s items such as toys, school supplies, and care products that may seem harmless but actually contain toxic chemicals,” ayon kay Dizon. Tinukoy ng opisyal ang mga produktong pambata sa mga pamilihan na napag-alamang naglalaman ng mga mapanganib at nakalalasong kemikal tulad ng lead, mercury, cadmium, at iba pa.

Paalala ni Dizon sa mga magulang na bago bumili ng mga produkto’y mahalagang suriing mabuti ang nilalaman nito at tiyaking pumasa sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).

“Do not buy products that have no label or information. Also, check if the product has been notified by the Food and Drug Administration…As much as possible, buy from reputable stores that are duly registered,” dagdag ni Dizon.

Inihayag din ng BAN Toxics na kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang paglikha at pag-aangkat ng mga produktong may sangkap na mapanganib na kemikal habang tungkulin ng bawat tahanan at pamayanan ang maging mapagmatyag sa pagbili at pagtiyak sa kaligtasan ng mga bata.

Una nang hinikayat ng grupo ang pamahalaan na itaguyod ang “Safe and Non-Hazardous Children’s Products Act” na panukalang pinagtibay ng 18th Congress noong 2017 ngunit hindi naisabatas sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1777 noong 2009, idineklara ang ikaapat na linggo ng Hunyo bilang National Poison Prevention Week na layong paigtingin ang kamalayan ng publiko sa iba’t ibang paraan upang maiwasan at mapigilan ang pagkalason sa mga tahanan, paaralan, trabaho at iba pang lugar.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 7,611 total views

 7,611 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 22,688 total views

 22,688 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 28,659 total views

 28,659 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 32,842 total views

 32,842 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 42,125 total views

 42,125 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Tao ang kayamanan ng Pilipinas-bishop Aseo

 87 total views

 87 total views Hinamon ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mga lider ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga katutubong nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa. Ayon sa obispo, ang kayamanan ng isang bansa ay hindi dapat sukatin sa pisikal o materyal na yaman lamang, bagkus, ang tunay na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

 2,193 total views

 2,193 total views Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan. Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi

Read More »
Discuss Socio-Political Church Issues
Michael Añonuevo

UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

 2,709 total views

 2,709 total views Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive. Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagiging huwaran ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, kinilala ni Bishop Aseo

 2,888 total views

 2,888 total views Binigyang-diin ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mahalagang gampanin ng simbahan sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ayon kay Bishop Aseo, dapat kilalanin ang kultura at ambag ng mga katutubo, na likas na mga tagapangalaga ng mga likas na yaman, at nagpapakita ng pamumuhay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-4 na Bike for Kalikasan, isasagawa sa Visayas Region

 2,898 total views

 2,898 total views Mahigit 250 siklista at mga tagapagtanggol ng kalikasan ang nagtipon-tipon para sa 3rd Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro City noong October 5. Naging matagumpay ang gawaing inorganisa ng Caritas Philippines katuwang ang Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan kabilang sa mahalagang bahagi ang makasaysayang deklarasyon ng climate emergency sa arkidiyosesis.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ihinto ang pamumuhunan sa fossil fuel, panawagan ng Simbahan sa SMC

 3,953 total views

 3,953 total views Nananawagan sa San Miguel Corporation (SMC) ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at stakeholders ng kumpanya na ihinto na ang pamumuhunan sa fossil fuels at lumipat na sa renewable energy. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, nagkaisa ang mga mga kasapi, iba’t ibang organisasyon, at social action centers ng simbahan, at stakeholders ng SMC upang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

 6,698 total views

 6,698 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo. Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 6,792 total views

 6,792 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 7,957 total views

 7,957 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 9,768 total views

 9,768 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

 9,737 total views

 9,737 total views Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day. Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

 10,298 total views

 10,298 total views Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan. Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day. Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

 10,655 total views

 10,655 total views Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina. “We

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Earth Hour, isasagawa ng Archdiocese of Davao

 10,273 total views

 10,273 total views Isasagawa ng social arm ng Archdiocese of Davao ang sabayang pagpapatay ng mga ilaw at kagamitang de-kuryente bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon. Hinihikayat ng Davao Archdiocesan Social Action Center ang mga mananampalataya para sa Earth Hour sa September 28, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi bilang paraan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

 11,435 total views

 11,435 total views Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon. Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top