Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,638 total views

Ang Mabuting Balita, 16 Nobyembre 2023 – Lucas 17: 20-25
PINAKAMABUTING KALAGAYAN
Noong panahong iyon, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo’y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.”
At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. At may magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o, ‘Narini siya!’ Huwag kayong pumunta upang siya’y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao’y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.”
————
Ang mga kaharian dito sa mundo ay mayroong pinuno, teritoryo, mga batas, at mga mamamayan. Lahat ng ito ay mayroon sa Kaharian ng Diyos sapagkat siya ang pinuno; may teritoryo na walang hangganan; ang mga utos niya ang mga batas; ang mga mamamayan ay ang kanyang mga tagasunod. Gayunpaman, may malaking kaibahan ang Kaharian ng Diyos sa kaharian dito sa mundo, sapagkat ang pinuno nito ay ang makapangyarihan sa lahat, may pinakamalawak na sinasakupang teritoryo kabilang ang mga teritoryo ng mga kaharian dito sa lupa, ang mga batas ay perpekto, at ang puso ng bawat mamamayan ay mahalagang nakahanay sa espiritu ng tagapamuno.
Maraming kaharian dito sa mundo ang naglaho na sapagkat nawalan na ng kahalili ang pinuno pagkamatay nito, at sa mga nananatili pa, kabahagi nila sa pagpapatakbo at pamumuno ng kaharian ay mga politikong katapat nila. Ngunit, ang Kaharian ng Diyos ay walang katapusan. Ito ay mananatiling walang hanggan sapagkat hindi namamatay ang pinuno, at ang mga tapat na mamamayan ay tiyak na makakapiling ng pinuno magpasawalang hanggan. Kung iisipin natin, ang mundo sana natin ay higit na nasa PINAKAMABUTING KALAGAYAN kung lahat lang tayo ay bahagi ng Kaharian ng Diyos.
Panginoon, tulungan mo kami maging matapat na mamamayan ng iyong Kaharian!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,532 total views

 47,532 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,620 total views

 63,620 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 101,010 total views

 101,010 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,961 total views

 111,961 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

TRUE WITNESSES

 2,160 total views

 2,160 total views Gospel Reading for July 10, 2025 – Matthew 10: 7-15 TRUE WITNESSES Jesus said to his Apostles: “As you go, make this proclamation:

Read More »

TRULY PRACTICE

 2,562 total views

 2,562 total views Gospel Reading for July 09, 2025 – Matthew 10: 1-7 TRULY PRACTICE Jesus summoned his Twelve disciples and gave them authority over unclean

Read More »

NEVER GIVE UP AND JUST FOCUS

 3,845 total views

 3,845 total views Gospel Reading for July 08, 2025 – Matthew 9: 32-38 NEVER GIVE UP AND JUST FOCUS A demoniac who could not speak was

Read More »

“GOD ALONE SUFFICES”

 4,096 total views

 4,096 total views Gospel Reading for July 07, 2025 – Matthew 9: 18-26 “GOD ALONE SUFFICES” While Jesus was speaking, an official came forward, knelt down

Read More »

STAND IN AWE

 3,780 total views

 3,780 total views Gospel Reading for July 06, 2025 – Luke 10: 1-12, 17-20 STAND IN AWE At that time the Lord appointed seventy-two others whom

Read More »

ALL THAT MATTERS

 4,005 total views

 4,005 total views Gospel Reading for July 05, 2025 – Matthew 9: 14-17 ALL THAT MATTERS The disciples of John approached Jesus and said, “Why do

Read More »

CHANGE

 4,316 total views

 4,316 total views Gospel Reading for July 04, 2025 – Matthew 9: 9-13 CHANGE As Jesus passed by, he saw a man named Matthew sitting at

Read More »

ETERNAL

 4,462 total views

 4,462 total views Gospel Reading for July 03, 2025 – John 20: 24-29 ETERNAL Thomas, called Didymus, one of the Twelve, was not with them when

Read More »

TO STAY

 5,331 total views

 5,331 total views Gospel Reading for July 2, 2025 – Matthew 8: 28-34 TO STAY When Jesus came to the territory of the Gadarenes, two demoniacs

Read More »

TRUE FAITH

 5,872 total views

 5,872 total views Gospel Reading for July 1, 2025 – Matthew 8: 23-27 TRUE FAITH As Jesus got into a boat, his disciples followed him. Suddenly

Read More »
Scroll to Top