Pagiging miyembro ng Freemason, ipinagbabawal sa mga katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,699 total reads

Iginiit ng Vatican Dicastery for the Doctrine of Faith na ipinagbabawal para sa mga Katoliko ang pakikisangkot at pagiging miyembro ng Freemason.

Ito ang naging tugon ng dicastery kay Dumaguete Bishop Julito Cortes matapos magpadala ng liham upang bigyang-pansin at tugunan ang patuloy na pagdami ng mga lumalahok sa masonry sa diyosesis, at sa buong Pilipinas.

Ayon kay Dicastery of Faith Prefect Cardinal Victor Manuel Fernandez, ipinagbabawal sa mga Katoliko ang pakikibahagi sa Masonry dahil hindi naaayon sa mga katuruan ng simbahan ang mga prinsipyo nito.

“On the doctrinal level, it should be remembered that active membership in Freemasonry by a member of the faithful is forbidden because of the irreconcilability between Catholic doctrine and Freemasonry.” pahayag ni Cardinal Fernandez sa inilabas na liham.

Nilinaw naman ng dicastery ang kahalagahan ng pakikibahagi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para makalikha ng plano at pamamaraan upang maayos na matugunan ang usapin.

Iminungkahi rin nito sa CBCP na magsagawa ng katesismo sa mga parokya upang higit na maipaliwanag sa mananampalataya ang kaibahan at hindi pagkakasundo sa pagitan ng pananampalatayang Katoliko at Freemasonry.

“The Philippine Bishops are invited to consider whether they should make a public pronouncement on the matter.” saad ng dicastery.

Ipinagbawal sa mga katoliko ang pakikilahok sa masonry mula nang ilabas ni Pope Clement XII ang decree “In Eminenti” noong 1738.

Batay naman sa 1917 Code of Canon law, ang sinumang maging bahagi ng Masonic lodge ay papatawan ng ‘excommunication’ o ititiwalag sa pananampalatayang Katoliko.

Muli namang pinagtibay ng Vatican noong 1983 na ang pagiging miyembro ng Masonic association ay matinding kasalanan, at hindi maaaring makatanggap ng Banal na Pakikinabang.

Sa nakalipas na tatlong taon, nakapaglabas na ng tatlong pahayag ang CBCP upang bigyang-pansin ang usapin, ito ay ang “Pastoral guidelines in dealing with individual Catholics – members of Masonry” na unang inilabas noong Pebrero 2020 at binago nitong Setyembre 2023; gayundin ang “A clarification on the CBCP’s position on Freemasonry and a note on Canon 1374 of the CIC na inilathala noong Pebrero 2023.

Sa kasaysayan naman ng Pilipinas, tinalikuran nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Manuel L. Quezon ang pagiging bahagi ng freemasonry, at muling niyakap ang pananampalatayang katoliko

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 181,127 total reads

 181,127 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 210,107 total reads

 210,107 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 244,228 total reads

 244,228 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 300,632 total reads

 300,632 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,094 total reads

 183,094 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top