Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,286 total views

TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial scamming,money laundering,prostitution, kidnapping, torture maging murder o pagpatay.

Dahil sa isinagawang QUAD-Committee hearing ng House of the Representatives, natuklasan ang iba’t-ibang pekeng korporasyon na nag-ooperate ng iligal na POGO na pinapaktabo ng mga kilalang indibidwal tulad ng napatalsik na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, mga Chinese nationals na kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, maging si dating Presidential spokesman Harry Roque ay sangkot din sa iligal na gawain. Libu-libong mga dayuhan kung saan karamihan ay mga chinese nationals na biktima ng human trafficking ang na-rescue ng mga otoridad sa crackdown ng mga POGO sa bansa.Dahil sa POGO, dumarami ang mga Chinese national ang nakakapasok ng Pilipinas kahit walang kaukulang dokumento.

Kapanalig, ang pagkakalulong sa sugal ay nakakatakot, pinagmumulan ito ng iba’t-ibang krimen, naging ugat ng kahirapan.

Ang nakakabahala ay ang sabwatan ng mga nagpapatakbo ng POGO sa mga sindikato ng droga. Ang koneksyon o kaugnayan ng POGO sa mga sindikato ng droga ay masusing iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Natuklasan ng PDEA na ang may-ari ng warehouse sa Pampanga kung saan nasamsam ang 560-kilos ng shabu ay pag-aari ng isang Willie Ong na majority shareholder ng POGO na Empire 999 na isa sa pitong kumpanya na sangkot sa money laundering. Nabatid na ang mga Chinese national ay nakapag-may-ari ng kumpanya sa Pilipinas dahil sa mga hawak na pekeng birth certificates.

Kontrobersiyal din ang direct link ng isang Rose Gumban na may-ari ng pitong POGO companies partikular na ang PHARMALLY sa dating economic adviser ng pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Inaalam din ng PDEA ang pagkakasangkot ng asawa ni Rose na si Allan Lim na sinasabing close friend ni Senator Bong Go sa kalakalan ng iligal na droga. Si Lim ay isinasangkot din sa kidnapping sa mga high rolling Chinese gamblers sa Okada Manila. Kinasuhan din ito ng iligal drug trade sa Cavite noong 2015.

Ayon sa PDEA, si Allan Lim at Michael Yang ay konektado sa Johnson Chua Drug Trafficking Organization…Ang tanong, paano nakakapasok at nakapagpatayo ng negosyo sa Pilipinas ang mga Chinese nationals? Mayroon bang express lane sa Bureau of Immigration ang mga Chinese Nationals?

Ipinapaliwanag sa Catechism of the Catholic Church 2404, “Gambling, whether it involves games of chance (e.g. card games), wagers or betting, or even lotteries, is not intrinsically evil (Catechism, #2404). However, a person may only engage in these activities with a strict adherence to virtue. First, he must act with temperance, whereby he keeps his passions and emotions under the control of reason,acts with moderation, and uses material goods in a good way and in accord with the circumstances of his life.”Kapanalig, huwag nating i-asa ang ating kinabukasan sa game of chance.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 87,814 total views

 87,814 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 87,814 total views

 87,814 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 87,814 total views

 87,814 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 85,158 total views

 85,158 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 77,761 total views

 77,761 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 87,815 total views

 87,815 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 87,815 total views

 87,815 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 87,815 total views

 87,815 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 85,159 total views

 85,159 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top