Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 157,206 total views

Kapanalig, ang pornograpiya ay isang tahimik at nakatagong salot sa ating lipunan. Ang isyu na ito ay hindi masusi at komprehensibing tinatalakay sa ating bayan, kaya naman ito ay dahan-dahan ng nagpaparupok ng ating moral fiber bilang isang bansa.

Sabay ng pagdami ng COVID-19 cases sa ating bansa noong 2021, tumaas din ang bilang ng mga Pilipinong tumatangkilik sa pornograpiya. Pagdating sa dami ng oras ng panonood nito, naging global leader na ating bansa noong 2021.

Marami ang nagbibigay ng justification o pangangatwiran sa panonood nito. May mga naniniwala pa nga na victimless act ito. Pero kapanalig, kahit ano pa ang ating idahilan, ang pornograpiya ay mali. Hindi ito victimless crime. Sumisira ito ng pamilya, sumisira ito ng pagkatao at dangal ng nanood pati ng mga gumagawa nito. Dito sa ating bansa, ang karaniwang biktima ng pornograpiya ay ang mga bata. Maraming bata sa ating bayan ang inaabuso at pinagkakakitaan para sa online pornography.

May pag-aaral na nagpapakita na noong 2020 hanggang 2022, umabot ng 182,729 ang mga suspicious transactions reports ng Anti-money Laundering Council. Katumbas ito ng P1.56 billion. Halos lahat ng transaksyon na ito ay kaugnay sa child pornography. Billion-peso business na ito sa bansa.

Kapanalig, kailangan ng matanggal sa ating lipunan ang salot na ito, lalo pa’t ang mga walang muwang na bata ang pangunahing biktima nito. Kung ang ating pamahalaan ay kulang ang ipin ng batas para dito, kung ang ating lipunan ay nagbubulagbulagan, dapat ay simulan na natin sa ating mga sarili, sa ating mga tahanan, sa ating pamayanan. Gaya nga ng sinabi ng mga US bishops sa kanilang pastoral letter, “Create in Me a Clean Heart’ – The damage that pornography causes to oneself, society, and the body of Christ needs healing. Pornography can never be justified and is always wrong. Kailangan nating maintindihan na ang pornograpiya ay mali, kapanalig, at kailangan natin itong mapuksa sa ating lipunan.

Ang Bibliya ay may paalala rin para sa atin ukol dito. Ayon sa Thessalonians 4:3-4, “For this is the will of God, your sanctification: that you abstain from sexual immorality; that each one of knows how to control his own body in holiness and honor.” Pinaalahanan tayo nito na ang katawan ng tao ay hindi nilikha para maging “objects” o bagay lamang para sa ating sariling kaligayahan, kahalayan, at kaaliwan. Ito ay templo ng Banal na Espiritu (1 Corinthians 6:19-20). Kung susundin lamang natin ang tagubilin na ito, makikitil natin ang demand para sa pornograpiya, at matitigil na ang paglalako nito sa ating lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,257 total views

 73,257 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,252 total views

 105,252 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,044 total views

 150,044 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,994 total views

 172,994 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,392 total views

 188,392 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 522 total views

 522 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,585 total views

 11,585 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,258 total views

 73,258 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,253 total views

 105,253 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,045 total views

 150,045 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,995 total views

 172,995 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,393 total views

 188,393 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,845 total views

 135,845 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,269 total views

 146,269 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,908 total views

 156,908 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,447 total views

 93,447 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,737 total views

 91,737 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top