PPCRV, accredited na para sa BOL plebiscite

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total views

Kinumpirma ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang nakatakdang pakikibahagi at pagbabantay sa nakatakdang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law sa Mindanao.

Ayon kay PPCRV Vice Chairman for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng PPCRV para sa pagbubuo ng mga grupo ng volunteers na magbabantay at tutulong para sa voters’ education ng mga makikibahagi sa plebesito.

“We are now moving, organizing our volunteers to participate in the observation and voters’ education, poll watching of the Plebiscite in Mindanao…” pahayag ni Cardenas sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi pa ni Cardenas, opisyal nang pinahintulutan o accredited na ng Commission on Election (COMELEC) ang PPCRV upang makapagsagawa ng poll watching at pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang plebesito para sa ratipikasyon ng BOL.

Sinabi ni Cardenas na mayorya ng mga volunteer ng PPCRV sa rehiyon ay mga Muslim mula sa iba’t ibang civil society organizations.

“Accredited na kami to do poll watching sa Mindanao Plebiscite and majority of our volunteers there are being provided by CSO’s ng mga Muslims, CSO is Civil Society Organizations ng mga Muslim…” pahayag ni Cardenas.

Tiniyak ni Cardenas na hindi na bago sa PPCRV ang pagtutulungan ng mga Kristiyano at Muslim sa Mindanao upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng halalan sa rehiyon.

Samantala, inaasahan namang aabot sa 2,000 ang volunteers ng PPCRV na makikibahagi sa pagbabantay para sa nakatakdang Plebisito sa ika-21 ng Enero at ika-6 ng Pebrero.

“Aabot siguro ng mga 2,000 volunteers magkasama yan, majority would be Muslims” dagdag pa ni Cardenas.

Sa inilabas na panuntunan o guidelines ng Commission on Elections (COMELEC), unang isasagawa ang Plebisito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at sa mga lungsod ng Cotabato City at Isabela City, Basilan sa ika-21 ng Enero habang ang iba namang mga teritoryo partikular na ang mga lalawigan ng Lanao del Norte at North Cotabato ay boboto naman sa ika-6 ng Pebrero.

Layunin ng PPCRV na naitatag bilang tugon sa panawagan ng mga Obispo sa isinagawang Second Plenary Council of the Philippines ang pagpapatupad ng reporma sa halalan sa bansa kung saan kabilang ang Simbahang Katolika sa pangunahing tagapagbantay para magkaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 20,330 total views

 20,330 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 94,944 total views

 94,944 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 175,023 total views

 175,023 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 218,162 total views

 218,162 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 218,023 total views

 218,023 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top