9,001 total views
Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga lingkod ng Simbahan at mga halal na opisyal ng pamahalaan ay kapwa may pambihirang tungkulin at responsibilidad para sa kapakanan ng taumbayan.
Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop-Promoter of Stella Maris-Philippines para sa mga naghahangad na kumandidato sa 2025 Midterm Elections.
Ayon sa Obispo, ang mga lingkod bayan at lingkod ng Simbahan ay kapwa may tungkuling dapat na gampanan upang paglingkuran at isulong ang kaligtasang pangkaluluwa at pangkatawan ng bawat mamamayan.
“We are like the rails of a train—straight and aligned, not crooked or separated. Together, we carry our responsibilities: you in the government, taking care of them as citizens, and us from the Church, guiding them as believers, towards one destination—salvation. For you, it is the salvation of the body; for us, it is the salvation of the soul. To save them is our service—service through the Government and service through the Church.” mensahe ni Bishop Santos.
Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na kumandidato sa nakatakdang halalan na ang Simbahan at mga opisyal ng pamahalaan ay hindi magkatunggali sa halip ay dapat na magkatuwang na isulong ang kabutihan ng mas nakararami o ang common good bilang isang tunay na Servant o tagapaglingkod, Steward o tagapamahala, at Shepherd o tagapaggabay sa bawat mamamayan o kawan ng Diyos.
“We are one, united by our mission and purpose for our beloved country. Even though we have different roles in life and do not hold the same power in society, we are not rivals. We are not opposed to each other, and we are certainly not enemies. You and I, as priests and politicians, are bound by a common goal: to serve the country. Therefore, whether we are in the Government or the Church, we must be a good: Servant, Steward, Shepherd” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Paliwanag ng Obispo, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan at ng pamahalaan ay higit na mapupuspus ng biyaya at pag-ulad ang taumbayan.
“When the Church and the Government, the Parish and the Municipal Council, or we as riests and you as politicians, are united, we will progress more, be blessed, and our constituents will be better served and cared for.” Ayon pa kay Bishop Santos.
Una ng binigyang diin ng CBCP ang paninindigan ng Simbahan sa pagbabantay at pakikisangkot sa mga usaping panlipunan upang magsilbi bilang moral compass sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaalala at pagsusulong ng Ebanghelyo at Mabuting Balita ng Diyos.
Kaugnay nito sa nakatakdang pagtatapos ng voters registration sa ika-30 ng Setyembre, 2024 ay nakatakda namang magsimula ang filling ng Certificate of Candidacy o COC ng mga kandidato para sa nakatakdang 2025 Midterm Elections sa October 1 to 8, 2024.
Patuloy naman ang panawagan ng Simbahang Katolika para sa aktibong pakikisangkot ng bawat mamamayan sa kabuuang proseso ng halalan na nagsisimula sa pagpapatala o pagpaparehistro bilang isang ganap na botante.