Pro-death Congressmen, nangangailangan ng education of conscience.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total reads

Paghuhubog ng konsensiya ay kailangang ipagkaloob sa mga mambabatas.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church chairman Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagkapasa ng House 4727 o ang Reimposition ng Death Penalty Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Bishop David, iginagalang nito ang 216 na kongresista na bumuto ng “Yes,” 54 na “No” at isang nag – abstain na bumuto sa idinidikta ng kanilang konsensiya at hindi nagpadala sa political pressure.

“Whether bumoto sila ng yes or no, igagalang ko ang kanilang boto kung ito’y ayon sa kani-kanilang konsensya. Kawawa naman ang bumotong labag sa konsensiya at nagpadala lang sa political pressure.” pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, ikinabahala ni Bishop David ang pagpabor ng maraming mambabatas sa parusang kamatayan na pawang mga Katoliko.

Dahil sa pagkabahala, inihayag ng Obispo na napapanahon nang mabigyan ng “education of conscience” ang 126-Kongresista sa kahalagahan ng buhay.

Ang paglusot ng HB-4727 ay patunay ng pagkukulang ng Simbahan na hubugin ang konsensiya ng mga mambabatas na nagsusulong ng kultura ng kamatayan.

“Kung totoong boto ng konsensya ng nakararami iyon, ibig sabihin nagkulang talaga tayo sa paghubog ng konsensya (education of conscience) ng ating mga kongresistang Katoliko tungkol sa kabanalan ng buhay ng tao.” Giit pa ni Bishop David sa Veritas Patrol.

Samantala, kahapon ay nagpahayag na rin ng saloobin ang ilang mga Catholic schools sa pagsasagawa ng “#Noise for Life” na dinaluhan ng daan – daang mga estudyante, religious groups at pro – life advocates.

Nagpahayag na rin ng saloobin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ito magpapatinag upang harangin na tuluyang maisabatas ang House Bill 4727.(Romeo Ojero)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,642 total reads

 20,642 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,928 total reads

 54,928 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 91,410 total reads

 91,410 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,622 total reads

 109,622 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,849 total reads

 192,849 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top