Pro Ecclesia et Pontifice Award, igagawad kay 2024 CMMA Serviem awardee

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,022 total views

Isang Filipina broadcast industry icon sa Pilipinas ang kauna-unahang recipient ng Papal honors o “Pro Ecclesia et Pontifice Award” ngayong 2026 sa ilalim ng papacy ni Pope Leo XIV.

Ang Pro Ecclesia et Pontifice(“For the Church and Pope”) ay pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Santo Papa sa mga clergy at layko sa natatanging paglilingkod para sa Simbahang Katolika.

Sa pamamagitan ng opisyal na decree ni Pope Leo XIV, igagawad kay 2024 CMMA serviem awardee Manuela Eudes Banez Kelly ang “Cross Pro Ecclesia et Pontifice”.

Ipagkakaloob kay “Maam Dessy” ang natatanging Papal honors sa pamamagitan ng Eucharistic celebration at conferral ng award na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula.

Gaganapin ang conferral of the award sa ika-26 ng Pebrero, 2026 ganap na alas-diyes (10:00am) sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila cathedral.

Sa kasalukuyan, si Maam Dessy ang Chairman at CEO ng Broadcast World Philippines at Allied Convergence Telecommunications Inc.

Bilang eksperto sa streaming media, mobile communications, radio frequency, pagtatayo at installations ng mga transmitter tower ay malaki ang kanyang naging sa paglago at pag-unlad ng broadcasting at telecommunications sector sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Broadcast World Philippines, marami ang naitayo at na-commissioned AM,FM radio stations at TV station sa buong bansa na karamihan ay istasyon ng Catholic Welfare Organization at Federation of Catholic Broadcasters na naging Catholic Bishops Conference of the Philippines at sa kasalukuyan ay Catholic Media Network o CMN.

Kabilang din sa mga commercial station na natulungan ng Broadcast World Philippines ang Radio Mindanao Network, University of Mindanao Network, Mareco Broadcasting, FBS Radio,Filipinas Broadcasting, RGMA, GMA network, ABS-CBN, Prime Broadcasting, Raja Broadcasting, Far East Broadcasting Bureau of Broadcast,Eagle Broadcasting UHF stations at tower.

Sa tulong ni Maam Kelly, nakakuha ang Radio Veritas Global Broadcasting (DZRV) ng station franchise/RSL permit sa National Telecommunication Commission (NTC) kasama ang Word Broadcasting, Mountain Province Broadcasting,Radio Caritas Naga,Notre Dame Broadcasting at Sulu Tawi-Tawi Broadcasting.

Misyon ni Maam Kelly na tuparin ang naging pangako sa namayapang Rev. Fr. James B.Reuter na palaganapin ang Catholic Media sa buong Pilipinas at maging kilala sa buong mundo ang TV Maria at Radyo Veritas upang lalong mapalaganap ang mabuting balita at pananampalataya ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 56,861 total views

 56,861 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 56,861 total views

 56,861 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 56,861 total views

 56,861 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 55,117 total views

 55,117 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,348 total views

 50,348 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 22,563 total views

 22,563 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »
Scroll to Top