Probisyon sa SK Reform Law, malaking hamon-Comelec

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Itinuturing na isang hamon ng Commission on Elections ang pagsasagawa ng mga probisyong inaasahang ipatutupad hinggil sa Anti-Dynasty Probation na bahagi ng SK Reform Law na unang beses ipatutupad sa SK at Baranggay Elections sa ika-31 ng Oktubre.

Ayon kay COMELEC Commissioner Louie Tito Guia, kinakailangang pag-aralang mabuti ng kumisyon ang implementasyon sa naturang batas, partikular na ang parusa sa mga lalabag sa probisyon tulad ng diskwalipikasyon lalo’t salungat sa Right to Political Participation ang naturang probisyon.

“What is clear is we have to disqualify…in what ground should they be disqualified yun yung challenge sa ating rule making mahirap din kasi, kasi you know ang katapat din ng principle diyan ay Right to Political Participation ang kabila Anti-Dynasty Probation parang ganun so dapat malinaw din sa ating pag-enforce…” bahagi ng pahayag ni Guia sa panayam sa Radio Veritas.

Nasasaad sa bagong SK Reform Law, maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang kung saan bahagi ng Certificate of Candidacy na lalagdaan partikular ng mga SK Candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon sa kanilang posisyon.

Nakatakda naman ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbong Barangay at SK Officials mula ika-3 hanggang ika-5 ng Oktubre.

Sa nagdaang May 9 national elections, batay sa tala ng COMELEC, sa 54 milyon na rehistradong botante, humigit-kumulang 20 milyon dito mga kabataan.

Samantala, patuloy rin ang paghihikayat ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa publiko na huwag balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,066 total reads

 56,066 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,270 total reads

 105,270 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,142 total reads

 153,142 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,090 total reads

 257,090 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,353 total reads

 340,353 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top