1,366 total views
#DakilangAntiponangO | ππ’π¬π²ππ¦ππ«π ππ β’ π ππππππ
Sapagkat ang Panginoon ang ating hukom, siya ang mamamahala,
at siya rin ang haring magliligtas sa atin. (Isaias 33:22)
Tayo’y manalangin.
O Panginoon naming Diyos, sa Iyong pag-uutos ay dumaraan ang mga taon; sa kaganapan ng Iyong kalooban ay mabilis na lumilipas ang panahon; Gawin Mo pong matatag ang aming pananampalataya at malakas ang aming pag-asa, upang kami ay matiyagang maghintay sa ipinangakong araw ng pagbabalik ng aming Panginoong Hesukristo at ng pagtatatag ng Kanyang paghahari sa buong mundo; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.