BIYERNES, AGOSTO 19, 2022

SHARE THE TRUTH

 459 total views

Biyernes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Juan Eudes, pari
o kaya Paggunita kay San Ezekiel Moreno, obispo

Ezekiel 37, 1-14
Salmo 106, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Mateo 22, 34-40

Friday of the Twentieth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. John Eudes, Priest (White)
or Optional Memorial of St. Ezekiel Moreno, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 37, 1-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon, nadama ko ang kapangyarihan ng Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang lambak na puno ng kalansay. Inilibot niya ako sa lugar na yaong puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. Tinanong niya ako, “Tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?”

Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Panginoon?”

Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang Salita ng Panginoon. Ito ang ipinasasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay. Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay. Sa gayun, makikilala nilang ako ang Panginoon.”

Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako’y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay. Nakita kong sila’y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga. Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinasasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila’y mabuhay.” Nagpahayag nga ako at pumasok sa kanila ang hininga. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila’y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, ang bansang Israel ay tulad ng mga kalansay na ito. Sinasabi nila, ‘Tuyo na ang aming mga buto, wala na kaming pag-asa. Lubusan na kaming pinabayaan.’ Kaya nga, magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako ang Panginoon. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayun, malalaman ninyo na akong Panginoon ang nagsabi nito at aking gagawin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 106, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

o kaya: Aleluya.

Ang mga naligtas,
tinubos ng Diyos, bayaang magpuri,
yamang nangaligtas sa tulong ng Poon,
sa sariling bayan,
sila ay tinipo’t pinagsama-sama,
silanga’t kanluran,
timog at hilaga, ay doon kinuha.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Mayro’ng naglumagak
sa ilang na dako, at doon nanahan,
sapagkat sa lungsod
ay wala nang lugar silang matirahan.
Wala nang makain
kaya’t nangagutom, nauhaw na lubha,
ang katawan nila
ay naging lupaypay, labis na nanghina.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Nang sila’y magipit,
sa Panginoong Diyos, sila ay tumawag,
at dininig naman
sa gipit na lagay, sila’y iniligtas.
Inialis sila
sa lugar na iyon at pinatnubayan,
tuwirang dinala
sa payapang lungsod at doon tumahan.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Kaya dapat namang
sa Panginoong Diyos ay magpasalamat,
dahil sa pag-ibig
at kahanga-hanga niyang pagliligtas.
Yaong nauuhaw
ay pinaiinom upang masiyahan,
ang nangagugutom
ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

ALELUYA
Salmo 24, 4b. 5a

Aleluya! Aleluya!
Panginoon, ituro mo
na ‘yong landas ay sundin ko
sa pagtahak sa totoo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 22, 34-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ihayag natin ang ating pag-ibig sa Panginoong Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas. Ihayag natin ang ating mga panalangin nang may pag-ibig sa ating kapwa tulad ng ating paggalang at pagpipitagan sa ating mga sarili.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, umunlad nawa kami sa Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga pinuno, nawa’y umakay ng mga sumasampalataya sa mas malalim na kaalaman at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumuno sa atin nawa’y gawing gabay ang pagsunod sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga tahanan nawa’y maging mga lugar ng presensya ng Diyos kung saan ang bawat isa ay natuturuang kumalinga at gumalang sa bawat isa bilang anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng banayad na haplos ng Espiritu, tayo nawa’y magkaroon ng matinding habag sa mga maysakit at sa mga matatanda, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ibinunyag mo sa amin ang iyong kalooban sa pamamagitan ng iyong mga utos. Ngayong aming dinadala sa iyo ang aming mga kahilingan, bigyan mo kami ng biyaya na maisabuhay ang iyong mga utos. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 80,991 total views

 80,991 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 80,991 total views

 80,991 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 80,991 total views

 80,991 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 78,558 total views

 78,558 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 71,722 total views

 71,722 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 4,606 total views

 4,606 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 4,606 total views

 4,606 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 4,606 total views

 4,606 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 2,172 total views

 2,172 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 2,172 total views

 2,172 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top