Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, AGOSTO 20, 2022

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Paggunita kay San Bernardo,
abad at pantas ng Simbahan

Ezekiel 43, 1-7a
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Sa ati’y mananatili
paglingap ng Poon lagi.

Mateo 23, 1-12

Memorial of St. Bernard, Abbot and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

UNANG PAGBASA
Ezekiel 43, 1-7a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa gawing silangan. Doon, nakita kong dumarating mula sa silangan ang kaningningan ng Diyos ng Israel, parang ugong ng malaking baha. Nagliwanag ang lupa dahil sa kaningningang yaon. Ang pangitaing ito ay tulad ng nakita ko nang wasakin ang Jerusalem. Tulad din ito noong nakita ko sa Ilog Kebar. Ako’y sumubsob sa lupa. Ang nakasisilaw na liwanag ay nagdaan sa pintuan sa silangan at pumasok sa templo. Itinayo ako ng Espiritu at ipinasok sa patyo sa loob. Nakita kong ang buong templo’y punung-puno ng kaningningan ng Panginoon.

Magkatabi kaming nakatayo noong lalaki. Maya-maya, may narinig akong nagsasalita sa akin mula sa templo. Ang sabi, “Tao, ito ang aking trono, at ito ang tuntungan ng aking mga paa. Ito ang magiging tahanan ko sa aking paninirahan sa gitna ng Israel.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Sa ati’y mananatili
paglingap ng Poon lagi.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Sa ati’y mananatili
paglingap ng Poon lagi.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Sa ati’y mananatili
paglingap ng Poon lagi.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Sa ati’y mananatili
paglingap ng Poon lagi.

ALELUYA
Mateo 23, 9b. 10b

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y may iisang Ama,
at guro nati’y iisa:
Si Kristo na Anak niya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyo tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpakakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mayroon tayong isang Ama sa Langit at isang Guro, ang kanyang bugtong na Anak. Lumapit tayo sa Ama at ipanalangin ang lahat ng kanyang mga anak sa lupa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan Mo kami, aming nag-iisang Ama.

Ang mga tinawag sa ministri ng orden nawa’y maging tapat at matiyaga sa kanilang banal na tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y maituro sa mga kabataang nasa kanilang pangangalaga ang mabuting halimbawa ng kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos nawa’y maging gabay natin sa ating mga kilos at nawa’y lagi nating asamin na gumawa nang mabuti, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, nalulumbay, at mga maysakit nawa’y tingnan natin nang may habag, at pagaanin ang kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, dinadala namin sa iyong harapan ang mga pangangailangan ng mga nakakakilala sa iyo at yaong mga hindi pa nakaririnig ng iyong pangalan. Ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 14,945 total views

 14,945 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 28,905 total views

 28,905 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,057 total views

 46,057 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,329 total views

 96,329 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,249 total views

 112,249 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 19, 2025

 207 total views

 207 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Exodo 12, 37-42 Salmo 135, 1

Read More »

Biyernes, Hulyo 18, 2025

 1,210 total views

 1,210 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 11, 10-12. 14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y

Read More »

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 1,844 total views

 1,844 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 3, 13-20 Slamo 104, 1 at 5. 8-9. 24-25. 26-27 Nasa isip ng Maykapal

Read More »

Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 2,138 total views

 2,138 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Exodo 3, 1-6. 9-12

Read More »

Martes, Hulyo 15, 2025

 2,659 total views

 2,659 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Exodo 2, 1-15a Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34 Dumulog tayo sa Diyos upang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top