Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, AGOSTO 21, 2022

SHARE THE TRUTH

 378 total views

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Isaias 66, 18-21
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Hebreo 12, 5-7. 11-13
Lucas 13, 22-30

Twenty-first Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 66, 18-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Nalalaman ko ang iniisip nila at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at mga taong iba’t iba ang wika. Malalaman nila kung gaano ako kadakila. Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila. Ngunit magtitira ako ng ilan upang padala sa iba’t ibang bansa. Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Pul at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano ako kadakila. Bilang handog sa akin sa banal na bundok sa Jerusalem, ibabalik nila ang mga kababayan ninyo buhat sa pinagtapunan sa kanila. Sila’y darating na sakay ng mga kabayo, asno, kamelyo, karwahe at kariton, tulad ng pagdadala ng mga handog na butil sa Templo, nakalagay sa malilinis na sisidlan. Ang ilan sa kanila ay gagawin kong saserdote at ang ilan ay Levita.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa,
Siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 12, 5-7. 11-13

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, nalimutan na ba ninyo ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya – mga salitang nagpapalakas ng loob ninyo?

“Anak, huwag kang magwalang-bahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon,
at huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan niya.
Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya,
at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Tiisin ninyo ang lahat bilang pagtutuwid ng isang ama, sapagkat ito’y nagpapakilalang kayo’y inaari ng Diyos na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Habang tayo’y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.

Kaya’t palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas! Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 22-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.

“Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Nakababatid sa kahirapan natin sa buhay habang dumaraan tayo sa “makipot na pintuan” ng tunay na buhay Kristiyano, idalangin natin ang maawaing tulong ng Panginoon. Sama-sama tayong manalangin:

Panginoon, gabayan Mo kami!

Para sa Simbahan, ang tahanan ng lahat ng tao: Nawa tanggapin niya ang lahat ng kultura at tradisyon upang dalisayin at palaguin niya sa kanila ang mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng Obispo: Nawa sila’y laging maging malinaw na tanda at kasangkapan ng pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao, sa kanilang pangangaral at sa kanilang mga gawaing pastoral. Manalangin tayo!

Para sa dumaranas ng kahirapan sa pamumuhay alinsunod sa Ebanghelyo: Nawa magtamo sila ng ginhawa sa alaalang may gantimpala ang Diyos para sa bawat isa alinsunod sa kanyang pagsisikap. Manalangin tayo!

Para sa ating parokya: Nawa ito’ y maging isang tunay na “Pamayanan ng mga Disipulo” kung saan bawat kasapi ay na- kadarama ng pagpapahalaga at tulong sa patuloy na pagsisikap mamuhay alinsunod sa turo ng Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa bawat isa sa atin at lahat ng mahal natin sa buhay: Nawa huwag tayong masiraan ng loob sa pagharap sa mga hamon, kundi patuloy na magsikap sa pakikipag-isa sa ating mga kasa- mahan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Diyos Ama, maraming salamat at ginawa Mo kaming Iyong mga anak kay Hesus, na aming Kuya at Tagapagligtas. Tulungan Mo kami sa aming pagsisikap na lalong mapalapit sa Iyo sa pamamagitan ng “makipot na pintuan” ng tapat na pagsunod sa Iyong kalooban. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 33,560 total views

 33,560 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 42,895 total views

 42,895 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 55,005 total views

 55,005 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 72,101 total views

 72,101 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 93,128 total views

 93,128 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Marso 15, 2025

 2,158 total views

 2,158 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

Biyernes, Marso 14, 2025

 2,518 total views

 2,518 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

Huwebes, Marso 13, 2025

 3,326 total views

 3,326 total views Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Mateo 7, 7-12 Thursday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Miyerkules, Marso 12, 2025

 3,673 total views

 3,673 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka

Read More »

Martes, Marso 11, 2025

 4,096 total views

 4,096 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

Lunes, Marso 10, 2025

 3,626 total views

 3,626 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

Linggo, Marso 9, 2025

 4,299 total views

 4,299 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Deuteronomio 26, 4-10 Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15 Poon ko, ako’y samahan sa dusa at kahirapan. Roma 10, 8-13 Lucas 4, 1-13 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 4-10 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni

Read More »

Sabado, Marso 8, 2025

 4,280 total views

 4,280 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

Biyernes, Marso 7, 2025

 4,624 total views

 4,624 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

Huwebes, Marso 6, 2025

 4,920 total views

 4,920 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

Miyerkules, Marso 5, 2025

 5,527 total views

 5,527 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »

Martes, Marso 4, 2025

 5,320 total views

 5,320 total views Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Casimiro Sirak 35, 1-15 Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Marcos 10, 28-31 Tuesday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Casimir, Holy Man (White) UNANG PAGBASA Sirak 35,

Read More »

Lunes, Marso 3, 2025

 5,536 total views

 5,536 total views Lunes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Sirak 17, 20-28 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 Sambayanang tapat sa D’yos ay magpupuring malugod. Marcos 10, 17-27 Monday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Sirak 17, 20-28 Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Laging tinatanggap ng Diyos ang nagbabalik-loob, at

Read More »

Linggo, Marso 2, 2025

 5,839 total views

 5,839 total views Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Sirak 27, 5-8 Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16 Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos. 1 Corinto 15, 54-58 Lucas 6, 39-45 Eighth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Sirak 27, 5-8 (gr. 4-7) Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Pag niliglig mo ang bistay, maiiwan ang magaspang;

Read More »

Sabado, Marso 1, 2025

 6,362 total views

 6,362 total views Sabado ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Sirak 17, 1-13 Salmo 102, 13-14. 15-16. 17-18a Pag-ibig mo’y walang hanggan sa bayan mong nagmamahal. Marcos 10, 13-16 Saturday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Sirak 17, 1-13 Pagbasa mula sa aklat

Read More »
Scroll to Top