Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, DISYEMBRE 1, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,429 total views

Biyernes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Daniel 7, 2-14
Daniel 3, 75. 76. 77. 78. 79. 80. 81

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lucas 21, 29-33

Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Daniel 7, 2-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Akong si Daniel ay nakakita ng isang malaking dagat na binabayo ng malakas na hangin kabi-kabila. Mula sa dagat ay may lumitaw na apat na iba’t ibang dambuhala. Ang una ay parang leon ngunit may pakpak ng agila; nabunot ang mga pakpak nito. Umangat ito sa lupa at tumayong tila tao. Binigyan ito ng isipan ng tao. Ang ikalawa naman ay mukhang oso. Ang dalawang paa lamang nito sa huli ang inilalakad at may kagat pang tatlong tadyang. May tinig na nag-utos dito, “Sige, magpakasawa ka sa karne.’ Ang ikatlo ay kawangis ng leopardo. Ito’y may apat na pakpak sa likod, apat ang ulo at binigyan ng kapangyarihan. Pagkaraan, nakita ko ang ikaapat na hayop. Nakatatakot itong tingnan at mukhang napakalakas. Bakal ang ngipin nito at tanso naman ang mga panga. Niluluray ng bibig nito ang anumang makagat at tinatadyakan ang matira doon. Kaiba ito sa tatlong nauna pagkat ito’y may sampung sungay. Pinagmasdan kong mabuti ang mga sungay at nakita kong may tumutubo pang isa. Ang tatlong sungay ay nabunot upang magkaroon ng puwang ang sungay na tumutubo. Ito ay tulad ng tao, may mga mata at bibig. Nakapangingilabot ang sinasabi nito.

Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y sangmilyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang mga aklat. Dahil sa kakila-kilabot na mga bagay na sinasabi ng sungay, naakit akong manood hanggang sa mapatay ang ikaapat na hayop at ihagis sa apoy. Yaong ibang hayop ay inalisan ng kapangyarihan ngunit pinanatiling buhay nang kaunti pang panahon. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 75. 76. 77. 78. 79. 80. 81

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga bundok at mga burol;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng tumutubo sa lupa;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga bukal ng tubig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga dagat at mga ilog;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga balyena at lahat ng nilikhang nasa tubig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng ibon sa himpapawid;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga kawan at mga maiilap na hayop;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 29-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko’y hindi magkakabula.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Tinatawag tayo ng Panginoon na magbantay sa kanyang muling pagbabalik. Lumapit tayo sa Ama sa panalangin habang naghihintay sa kanyang pagdating.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng kasaysayan, palakasin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y makatugon sa tawag ng pagbabalik-loob at pagbabago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabuting kalooban nawa’y sama-samang kumilos para wakasan ang pag-aaway at digmaan, pang-aapi at kawalang katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating kamulatan sa presensya ni Kristo nawa’y higit pa nating palawigin sa ating mga dukha at mga naghihirap na kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y pagkalooban ng lakas at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y maranasan ang walang hanggang kaligayahan sa piling ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, pakinggan mo ang aming mga panalangin. Buksan mo ang aming paningin sa iyong presensya sa aming piling. Ilapit mo kami sa iyo araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 6,431 total views

 6,431 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 14,265 total views

 14,265 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »

May katarungan ang batas

 18,220 total views

 18,220 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 32,741 total views

 32,741 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 38,858 total views

 38,858 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Pebrero 21, 2025

 194 total views

 194 total views Biyernes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Pedro Damian, obispo at pantas ng Simbahan Genesis 11, 1-9 Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Marcos 8, 34 – 9, 1 Friday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Huwebes, Pebrero 20, 2025

 451 total views

 451 total views Huwebes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 9, 1-13 Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Marcos 8, 27-33 Thursday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 9, 1-13 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Si Noe at ang

Read More »

Miyerkules, Pebrero 19, 2025

 690 total views

 690 total views Miyerkules ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 8, 6-13. 20-22 Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19 Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. Marcos 8, 22-26 Wednesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 8, 6-13. 20-22 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan

Read More »

Lunes, Pebrero 17, 2025

 1,495 total views

 1,495 total views Lunes ng Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria Genesis 4, 1-15, 25 Salmo 49, 1 at 8. 16bk-17. 20-21 Sa D’yos tayo ay maghandog, pasalamat na malugod. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

Read More »

Linggo, Pebrero 16, 2025

 1,757 total views

 1,757 total views Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Jeremias 17, 5-8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. 1 Corinto 15, 12. 16-20 Lucas 6, 17. 20-26 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng

Read More »

Sabado, Pebrero 15, 2025

 1,961 total views

 1,961 total views Sabado ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 3, 9-24 Salmo 89, 2. 3-4. 5-6. 12-13 Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Marcos 8, 1-10 Saturday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 3, 9-24 Pagbasa mula sa

Read More »

Biyernes, Pebrero 14, 2025

 2,183 total views

 2,183 total views Paggunita kina San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Genesis 3, 1-8 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 Mapalad ang pinagbigyang mahango sa kasalanan. Marcos 7, 31-37 Memorial of Sts. Cyril, Monk and Methodius, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 3, 1-8 Pagbasa

Read More »

Huwebes, Pebrero 13, 2025

 2,387 total views

 2,387 total views Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 18-25 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Marcos 7, 24-30 Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-25 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoon Diyos, “Hindi mainam

Read More »

Miyerkules, Pebrero 12, 2025

 2,245 total views

 2,245 total views Miyerkules ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 4b-9, 15-17 Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30 Panginoo’y papurihin, aba kong sariling buhay. Marcos 7, 14-23 Wednesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 4b-9, 15-17 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Nang likhain ng Panginoon ang lupa at

Read More »

Martes, Pebrero 11, 2025

 2,422 total views

 2,422 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes Isaias 66, 10-14k Judith 13, 18bkde. 19 Pinupuri kang lubusan ng lahat sa ating bayan. Juan 2, 1-11 Memorial of Our Lady of Lourdes (White) UNANG PAGBASA Isaias 66, 10-14k Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Magalak ang lahat, magalak kayo dahil sa Jerusalem, ang

Read More »

Lunes, Pebrero 10, 2025

 2,623 total views

 2,623 total views Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga Genesis 1, 1-19 Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 24 at 35k Ang Poon ay natutuwa sa kanyang mga nilikha. Marcos 6, 53-56 Memorial of St. Scholastica, Virgin (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 1, 1-19 Ang simula

Read More »

Linggo, Pebrero 9, 2025

 1,578 total views

 1,578 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Isaias 6, 1-2a. 3-8 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 4-5. 7k-8 Poon, kita’y pupurihin sa harap ng mga anghel. 1 Corinto 15, 1-11 o kaya 1 Corinto 15, 3-8. 11 Lucas 5, 1-11 Fifth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 6, 1-2a. 3-8 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Pebrero 8, 2025

 3,055 total views

 3,055 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita ka San Jeronimo Emiliano o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 13, 15-17. 20-21 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Marcos 6, 30-34 Saturday of

Read More »

Biyernes, Pebrero 7, 2025

 3,233 total views

 3,233 total views Biyernes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 13, 1-8 Salmo 26, 1. 3. 5. 8b-9abk Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Marcos 6, 14-29 Friday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 13, 1-8 Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo Mga kapatid, magpatuloy kayong nag-iibigan bilang

Read More »

Huwebes, Pebrero 6, 2025

 3,371 total views

 3,371 total views Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir Hebreo 12, 18-19. 21-24 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 9. 10-11 Awa mo’y nagunita ko sa loob ng iyong templo. Marcos 6, 7-13 Memorial of Sts. Pedro Bautista, Paul Miki and Companions (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-4 na Linggo

Read More »
Scroll to Top