BIYERNES, ENERO 5, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,324 total views

Ika-5 ng Enero

1 Juan 3, 11-21
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Juan 1, 43-51

Weekday of the Christmas Season (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 3, 11-21

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, ito ang aral na narinig na ninyo sa simula pa: mag-ibigan tayo. Huwag tayong tumulad kay Cain; siya’y anak ng diyablo. Pinatay niya ang kanyang kapatid. Bakit? Sapagkat masasama ang kanyang gawa ngunit matutuwid ang gawa ng kanyang kapatid.

Kaya, mga kapatid, huwag kayong magtaka kung kinapopootan kayo ng sanlibutan. Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid; at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao. Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Kristo ang kanyang buhay dahil sa atin. Dapat din nating ialay ang ating buhay dahil sa mga kapatid. Kapag nakita ng sinumang may kaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, paano niya masasabing siya’y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang. Ipakita natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.

Dito natin makikilalang tayo’y nasa panig ng katotohanan, at matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyos sakali mang tayo’y usigin niyon. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi at alam niya ang lahat ng bagay. Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating budhi, panatag ang ating loob na makalalapit sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Pumasok lahat sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Banal na araw sumikat:
halina’t sumambang lahat
sa nanaog na Liwanag!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 43-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, minabuti ni Hesus na magpunta sa Galilea. Nakita niya si Felipe, at sinabi rito, “Sumunod ka sa akin.” Si Felipe’y taga-Betsaida, tulad nina Andres at Pedro. Hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ang mga propeta.” “May nagmumula bang mabuti sa Nazaret?” tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” Wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakakita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 5

Narinig na natin ang Salita ng Diyos na ipinahayag sa atin. Nakikita niya ang ating mga tapat na pagsisikap na mamuhay nang matuwid at muli nating hinihiling ang kanyang tulong.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, dinggin Mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y walang takot na magpatuloy sa pangangaral sa mga tao upang magsisi sa kasalanan at manampalataya sa Mabuting Balita, manalangin tayo sa Panginoon.

Anuman ang kanilang kalagayan sa buhay nawa’y higit pang maraming tao, ang magpahayag ng kanilang pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya nawa’y magsikap na gawin ang kanilang tahanan bilang mga lugar kung saan maririnig ng mga bata na tinatawag sila ng Diyos sa kanilang pangalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y manangan sa mga walang hanggang katotohanan ng Mabuting Balita ni Kristo at ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, dinggin mo ang mga panalangin ng iyong bayan. Huwag mo nawang bigyang-pansin ang aming mga makasalanang gawi, kundi ipakita sa amin ang iyong habag. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 71,186 total views

 71,186 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,979 total views

 81,979 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 87,385 total views

 87,385 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 124,468 total views

 124,468 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 136,114 total views

 136,114 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

Related Story

HUWEBES, MARSO 7, 2024

 534 total views

 534 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Lucas 11, 14-23 Thursday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 7, 23-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga

Read More »

MIYERKULES, MARSO 6, 2024

 1,478 total views

 1,478 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Mateo 5, 17-19 Wednesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1. 5-9 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon,

Read More »

MARTES, MARSO 5, 2024

 2,743 total views

 2,743 total views Martes ng Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 25. 34-43 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Mateo 18, 21-35 Tuesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 3, 25. 34-43 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Noong mga araw na

Read More »

LUNES, MARSO 4, 2024

 3,579 total views

 3,579 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Lucas 4, 24-30 Monday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA 2 Hari 5, 1-15a Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

LINGGO, MARSO 3, 2024

 4,364 total views

 4,364 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Exodo 20, 1-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Panginoon, iyong taglay ang Salitang bumubuhay. 1 Corinto 1, 22-25 Juan 2, 13-25 Third Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Exodo 20, 1-17 Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Noong mga araw

Read More »

SABADO, MARSO 2, 2024

 4,833 total views

 4,833 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Lucas 15, 1-3. 11-32 Saturday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Mikas 7, 14-15. 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Patnubayan mo ang iyong

Read More »

BIYERNES, MARSO 1, 2024

 5,113 total views

 5,113 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mateo 21, 33-43. 45-46 Friday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Mas mahal

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

 4,954 total views

 4,954 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 5,376 total views

 5,376 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 5,539 total views

 5,539 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 5,822 total views

 5,822 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 5,978 total views

 5,978 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 6,190 total views

 6,190 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 6,496 total views

 6,496 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 6,267 total views

 6,267 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »
Scroll to Top