BIYERNES, HULYO 7, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,256 total views

Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

Mateo 9, 9-13

Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nabuhay si Sara nang sandaa’t dalawampu’t pitong taon. Namatay siya sa Kiryat-arba, tinatawag ding Hebron, sa lupain ng Canaan. Ito’y labis na ikinalungkot ni Abraham.

Sandaling iniwan ni Abraham ang bangkay at nakipag-usap sa mga Heteo. Wika niya, “Ako’y nakikipamayan lamang sa inyo. Kung maaari, pagbilhan ninyo ako ng dakong mapaglilibingan sa aking asawa.”

At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, sa lupain ng Canaan. Ito’y tinatawag ngayong Hebron.

Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ng Panginoon. Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala: “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita, at manumpa ka. Ipangako mo sa akin sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at lupa, na hindi ka sa Canaan pipili ng mapapangasawa ni Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”

“Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang pumunta roon?” tanong ng alipin.

“Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,” tugon ni Abraham. “Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ng Panginoon, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papupuntahin doon ang anak ko!”

Nang makalipas ang mahabang panahon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. Nang magtatakip-silim, siya’y namasyal sa bukirin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. Natanaw ni Rebecca si Isaac kaya’t bumaba siya sa sinasakyang kamelyo, lumapit sa aliping kumaon sa kanya at nagtanong, “Sinong lalaki iyong papalapit sa atin?”

“Siya po ang aking amo,” tugon nito. Kumuha ng belo si Rebecca at nagtalukbong.

Pagtatagpo nila’y isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga pangyayari, kaya’t tinanggap ni Isaac si Rebecca bilang asawa at dinala sa kanyang tolda. Ang babae ay napamahal sa kanya at naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

o kaya: Aleluya.

Magpasalamat sa Panginoong Diyos, pagkat siya ay mabuti,
ang kanyang pag-ibig na hindi kukupas ay mananatili.
Sinong mangangahas upang magpahayag na siya’y dakila?
Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan
na gawang matuwid ang siyang adhika sa buo n’yang buhay.

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo’y iyong nagunita,
sa pagliligtas mo, isama mo sana ang lingkod mong aba;
upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,
kasama ng iyong bansang nagagalak, ako’y magdiriwang.

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 9-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo sa mga publikano at mga makasalanan ang inyong guro? Narinig ito ni Hesus at siya ang sumagot, “Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Dumating si Kristo upang tawagin ang mga makasalanan at ibigay ang kaligtasan sa kanila. Mulat sa pagtawag na ito, may kababaang-loob tayong manalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na manggagamot, pakinggan mo kami.

Ang mga mahihina at makasalanan nawa’y makita ang Simbahan bilang tahanang bukal ng kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nasa paglilingkod ng bayan nawa’y isagawa nang may kalinisan at katapatan ang kanilang mga tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng Eukaristiyang ito nawa’y madama natin ang mapagpagaling na habag ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala nawa’y tingnan natin nang may habag at pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makadama ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, may pananalig tulad ni Abraham na sumunod sa iyong pagtawag, itinataas ng iyong Kristiyanong Sambayanan ang kanilang mga panalangin. Nawa’y ipagkaloob mo ang iyong ibinunsod na aming hilingin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,380 total views

 2,380 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 27,741 total views

 27,741 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,369 total views

 38,369 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,361 total views

 59,361 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,066 total views

 78,066 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 9, 2025

 189 total views

 189 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga

Read More »

Martes, Hulyo 8, 2025

 737 total views

 737 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 32, 22-32 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7. 8b at 15 Yamang ako ay

Read More »

Lunes, Hulyo 7, 2025

 1,231 total views

 1,231 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 28, 10-22a Salmo 90, 1-2. 3-4. 14-15ab D’yos kong tapat at totoo, ikaw

Read More »

Linggo, Hulyo 6, 2025

 1,872 total views

 1,872 total views Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Isaias 66, 10-14k Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y

Read More »

Sabado, Hulyo 5, 2025

 2,379 total views

 2,379 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, Pari o kaya Paggunita kay sa Mahal na Birheng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top