Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, HUNYO 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,585 total views

Biyernes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Efren, diyakono at pantas ng Simbahan

Tobit 11, 5-17
Salmo 145, 2abk. 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Marcos 12, 35-37

Friday of the Ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Ephrem, Deacon and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Tobit 11, 5-17

Pagbasa mula sa aklat ni Tobit

Noong mga araw na iyon, si Ana ay nag-aabang sa lansangang pagdaraanan ni Tobias. Nang makita niyang ito’y dumarating, pasigaw niyang tinawag si Tobit. “Narito na si Tobias!” wika ni Ana, “kasama ang lalaking pinasama mo.”

Bago dumating ng bahay, sinabi ni Rafael kay Tobias, “Natitiyak kong mananauli ang paningin ng iyong ama. Pagdating mo’y ipahid mo agad sa kanyang mga mata ang apdo ng isda. Aalisin nito ang kulaba sa mata ng iyong ama at muli siyang makakakita.”

Tumatakbong sinalubong ni Ana ang kanyang anak at niyakap ito nang mahigpit. Sinabi nito kay Tobias, “Maaari na akong mamatay, anak, ngayong muli kitang nakita.” At naiyak siya sa laki ng tuwa.

Sa pananabik ni Tobit sa kanyang anak nagmamadali itong lumabas, ngunit nadapa siya sa may tarangkahan. Nilapitan ni Tobias ang kanyang ama, hawak ang apdo ng isda. Ibinangon niya ito at hinipan ang mga mata. “Lakasan ninyo ang inyong loob, itay,” wika niya. Agad niyang ipinahid sa mga mata nito ang hawak na apdo. Pagkatapos, inalis niya ang kulaba, at nanauli ang paningin ng kanyang ama. Niyakap ni Tobit ang anak at umiiyak na nagsabi, “Maliwanag na ang aking paningin; nakikita na kita, anak!” Pagkatapos ay sinabi:

“Purihin ang Diyos!
Purihin ang dakila niyang ngalan,
pagpalain ang lahat niyang mga anghel.
Sa lahat ng panahon,
nawa’y purihin ang banal niyang ngalan.
Sapagkat siya ang nagparusa sa akin
at siya rin ang nahabag.
Narito nakikita ko na ang aking anak,
Nakikita ko na si Tobias!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 2abk. 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

O kaluluwa ko, ang Diyos papurihan!
Pupurihin siya’t aking aawitan;
aking aawitan habang ako’y nabubuhay.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay laig ang Diyos mo, Sion!

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 35-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, samantalang nagtuturo si Hesus sa templo, sinabi niya, “Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito:

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesiyas?” At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ang ating pananampalataya kay Jesus bilang “Kristo ng Diyos” ang siyang nagtitipon sa atin bilang miyembro ng komunidad na ito. Sa kanyang pangalan dalhin natin sa Ama ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng aming Panginoong Jesus, pakinggan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng katotohanan at pagka-Diyos ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakasunduan nawa’y maging isang katotohanan lalo na sa mga bansang ang mga tao’y nagdurusa sa diskriminasyon dahil sa lahi, kasarian, uri, at relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y humimlay sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ni Jesu-Kristo, kinikilala namin na ikaw lang ang aming Panginoon. Lagi mo kaming bantayan at ipagkaloob mo ang aming ipinapanalangin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 18,291 total views

 18,291 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 42,076 total views

 42,076 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 54,311 total views

 54,311 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 239,975 total views

 239,975 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 269,844 total views

 269,844 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 73,613 total views

 73,613 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 73,844 total views

 73,844 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 74,393 total views

 74,393 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 55,375 total views

 55,375 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 55,484 total views

 55,484 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top