Biyernes, Marso 14, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,142 total reads

Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Ezekiel 18, 21-28
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Mateo 5, 20-26

Friday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 18, 21-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang taong masama ay tumalikod sa kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin, at gumawa ng mabuti, siya ay mabubuhay. Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli. Hindi ko ikasisiya ang kamatayan ng masama,” sabi pa ng Panginoon. “Ang ibig ko nga, siya’y magsisi at magbagong buhay. Ngunit kung ang isang taong matuwid ay magpakasama at gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, hindi siya mabubuhay. Mamamatay siya dahil sa kanyang pagtataksil at sa kasalanang nagawa. Mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang ginawa niya noong una.

“Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon,
Panginoon, ako’y dinggin pagkat ako’y tumataghoy,
dinggin mo ang pagtawag ko’t paghingi ng iyong tulong.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan,
lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan.
Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot,
pinatawad mo nga kami upang sa ‘yo ay matakot.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Sabik akong naghihintay sa tulong mo, Panginoon,
pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong.
Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa,
sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos,
matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot,
lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubos.
Ililigtas ang Israel, yaong kanyang mga hirang,
ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 18, 31

Sinabi ng Poong mahal:
“Kasamaan ay layuan,
kasalana’y pagsisihan;
kayo ay magbagong-buhay,
magbalik-loob na tunay.”

MABUTING BALITA
Mateo 5, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

“Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘Ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyerno. Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos.

“Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo ng tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Labis ang pagkabigo at pagkamuhing namamagitan sa mga tao, labis na pagtatalu-talo at pag-aaway. Hilingin natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng kapangyarihan na maging mga tagapaghilom at tagapagkasundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, biyayaan Mo kami ng kapayapaan.

Ang Simbahan nawa’y maging kasangkapan ng pagkakasundo, pagpapatawad, pagpapagaling, at pagkakaisa ng mga tao at bansang nakikipagdigmaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpasimula ng mga proyektong magtataguyod ng katarungan, kapayapaan, at pagkakaisa sa mga tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwasan ang paghihiganti, karahasan, at pag-aaway na bunga ng hidwaan, ideolohiya, o pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutuong magpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magtamo ng kagalingan ng espiritu sa pamamagitan ng pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, tulungan mo kaming makita ang bawat isa ayon sa iyong paningin upang tanggapin at itaguyod namin ang isa’t isa alang-alang sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen.

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 14,530 total reads

As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos Aires on February 26, 2013, to participate in the conclave following the resignation of Pope Benedict XVI.

I wonder what was going through his mind as he boarded that flight to Rome. He was already 76 years old, and probably expected to return to Buenos Aires after helping elect the next Pope.
But on March 13, he himself was elected. And that was it. He never managed to return to his beloved homeland during the twelve years of his pontificate.

I have heard many beautiful stories about the kind of archbishop Bergoglio was. He lived simply, took public transportation, visited the poor neighborhoods of Buenos Aires, and made himself available to ordinary people.

My journalist friends Gerry O’Connell and Elisabetta Piqué, who became close family friends of Bergoglio, have shared touching memories of his warmth and friendship. He baptized their children, shared meals with them, and maintained his friendship with them even after becoming Pope.

Gerry recalls that on February 28, 2013, they had dinner together in Rome and watched on television the historic departure of Benedict XVI from the papacy. Little did they know that their friend Jorge would be elected Pope less than two weeks later.

And now, thirteen years later, another Pope is visiting Argentina. But this Pope has a special connection with Francis.

It was Francis who reached out to the relatively little-known Augustinian Robert Francis Prevost after he had completed his term as Prior General of the Augustinians. In 2014, he appointed him to Chiclayo in Peru, where he was ordained bishop. He became Bishop of Chiclayo in 2015, just a month before I myself received my appointment as Bishop of Kalookan.

I often wonder what conversations the two of them might have had, and what Francis saw in this quiet, unassuming missionary bishop that eventually led him to entrust him with the Dicastery for Bishops in 2023.

Gerry O’Connell has described Prevost as one of Francis’s final surprises. Indeed, he was hardly a household name among the cardinals. Although American by birth, he had spent so much of his life in Peru that he identified deeply with the Peruvian people.

And now this same Robert Francis Prevost, as Pope Leo XIV, is walking the streets of Buenos Aires, visiting the places and meeting the people so dear to Pope Francis.

I find something deeply moving about this. It is almost as though Francis is accompanying Leo in spirit, returning at last to the homeland he loved but never managed to revisit as Pope.

Perhaps this is one of the beautiful mysteries of providence. Sometimes the things we are unable to accomplish in our lifetime are entrusted to others who come after us.

And this makes me wonder about Pope Leo himself. Born in Chicago, formed as a missionary in Peru, and now Bishop of Rome, will he someday be given the opportunity to visit his own homeland as Pope?

I can only imagine what a papal visit to the United States of America would be like, especially at a time when that country is struggling with so many divisions.

For now, as I watch Pope Leo being welcomed by the Argentine people, I cannot help thinking of that elderly Jesuit archbishop who boarded a plane in Buenos Aires thirteen years ago, expecting to come home.

He never did. But perhaps, in a way that only God could have arranged, a part of him has finally come home through his successor.

DEEP SENSE OF GRATITUDE

 17,526 total reads

Gospel Reading for November 11, 2026 – Luke 17: 11-19

DEEP SENSE OF GRATITUDE

As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voice, saying, “Jesus, Master! Have pity on us!” And when he saw them, he said, “Go show yourselves to the priests.” As they were going they were cleansed. And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan. Jesus said in reply, “Ten were cleansed, were they not? Where are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?”Then he said to him, “Stand up and go; your faith has saved you.”

————

There was a Samaritan among the lepers, and Samaritans and Jews were enemies. But Jesus did not discriminate against anyone when it came to healing them.

Of the ten lepers, only the Samaritan came back to thank Jesus. The others, who were Jews, perhaps took their healing for granted or simply failed to recognize the need to express their gratitude. After all, the healer was also a Jew. Perhaps the Samaritan’s feeling of unworthiness made him especially grateful to Jesus for healing him despite being an outsider.

We Christians should never take for granted the blessings we receive from God each day. We need to develop a DEEP SENSE OF GRATITUDE, recognizing that although we do not deserve God’s love, he never fails to shower us with his blessings every day.

When we develop this sense of gratitude, we will also feel compelled to share our blessings with others, especially those in need. In doing so, we fulfill one of the basic teachings of Jesus: to love our neighbors as ourselves.

Lord God, thank you for all the blessings you give us each day. May we learn to share them with others, especially those in need. Amen.

Aral ng kapa ni San Martin ng Tours

 17,540 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Nobyembre 2026
Ang aming Patron sa Bukawe, Bulacan.
Mula pa sa aming pagkabata
doon sa bayan ng Bukawe sa Bulacan
palaging nilalarawan 
kabutihan ng aming Patron mahal 
San Martin ng Tours sa France 
kung paano niyang hinati 
kanyang kapa upang damitan
ang giniginaw na dukhang matanda
nakasalubong niya sa daan.

Kinagabihan kanyang napanaginipan
Panginoong Jesus sa kanyang paanan
tangan-tangan kapang ibinigay sa 
matandang tinulungan,
katunayan ng kanyang turo
ano mang kabutihan
ang inyong gawin sa maliliit  
ay siya rin ninyong ginagawa 
sa Kristo na sa atin nakipanahan.

Nguni't hindi lamang iyon ang hiwaga
ng kapa ng ating Patrong mahal 
na dating kawal, 
sanay sa mga digmaan:
nang siya ay mabinyagan, 
hinasa niya kanyang isipan  
sa mga aral ng pananampalataya
dinalisay sa pananalangin
upang lubos mapaangkin sa Panginoon natin.

Upang maging mataimtim 
sa kanyang pananalangin, 
nagtutungo si San Martin sa kagubatan
at hinuhubad suot niyang kapa 
tanda ng kababaang-loob sa Panginoon,
sinasampay, sinasabit sa mga halaman
upang sakali man siya ay hanapin
madali siyang tuntunin 
sa kapa niyang nakabitin.

"Chapele" sa wikang Pranses
ang salitang salin ng "kapa" 
na siyang pinagmulan ng "kapilya"
na isang munting pook-dalanginan
tulad ng tinutunguhan ni San Martin
noon upang Diyos ay makapisan;
pagnilayan at tularan kaugalian
nitong si San Martin ng Tours
hinubad kanyang "kapa" sagisag ng
kapangyarihan at katanyagan
upang maramtan ng kabanalan
ni Kristo-Jesus na "hinubad kanyang 
pagiging katulad ng Diyos upang mamuhay 
bilang alipin tulad natin" (Fil.2:7)!

San Martin ng Tours,
ipanalangin mo kami!
Mula sa flickr.com.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 144,141 total reads

 144,141 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 205,830 total reads

 205,830 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 251,539 total reads

 251,539 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 352,807 total reads

 352,807 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 415,036 total reads

 415,036 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 20,498 total reads

 20,498 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 23,020 total reads

 23,020 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 25,103 total reads

 25,103 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 23,622 total reads

 23,622 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 24,723 total reads

 24,723 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top