Sabado, Marso 15, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,807 total views

Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Deuteronomio 26, 16-19
Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mateo 5, 43-48

Saturday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 26, 16-19

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon ay ibinigay nga sa inyo ng Panginoon ang mga tuntuning ito; sundin ninyo ito nang buong puso’t kaluluwa. Ipinahayag ninyo ngayon na ang Panginoon ang inyong Diyos, lalakad kayo ayon sa kanyang daan, susundin ang kanyang mga tuntunin at didinggin ang kanyang tinig. Ipinahayag naman niya sa inyo na kayo ay kanyang bayan, tulad ng kanyang pangako, at dapat ninyong sundin ang kanyang mga tuntunin. Palalakihin niya kayo higit sa ibang bansa upang maging kapurihan niya, karangalan at kadakilaan. At tulad ng sabi niya, kayo ay isang bansa na nakatalaga sa kanya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.
Mapalad ang sumusunod sa kaniyang kautusan,
buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Ibinigay mo sa amin iyang iyong mga utos,
upang aming talimahin at sundin nang buong lugod.
Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat,
susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok,
buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos.
Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin,
huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
2 Corinto 6, 2b

Ngayo’y panahong marapat,
panahon ng pagliligtas,
araw ngayon ng pagtawag
upang makamit ang habag
ng Panginoong matapat.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 43-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Taglay ang pagtitiwala, lumapit tayo sa mapagpatawad na Ama na ang habag sa atin ay walang hangganan at walang katapusan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming ganap sa Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y maging buhay na halimbawa ng pagpapatawad at habag na ipinakita ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang kaawaan ang mga taong nakasakit, nakapinsala o nagdulot ng mga paghihirap sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng biyaya ng Diyos, nawa’y mapatawad natin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, matatanda, at mga pinabayaan nawa’y ating maipadama ang ating pagmamahal at habag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y biyayaan at gantimpalaan ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihan at mahabaging Ama, pinasasalamatan ka namin sa pagpapatawad na inihandog mo sa pamamagitan ng iyong Anak. Tulungan mo kaming ipahayag sa iba ang iyong pagpapatawad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,899 total views

 29,899 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 104,513 total views

 104,513 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 184,592 total views

 184,592 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 227,731 total views

 227,731 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 227,017 total views

 227,017 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 18, 2026

 361 total views

 361 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 1,903 total views

 1,903 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 3,443 total views

 3,443 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 4,820 total views

 4,820 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 5,499 total views

 5,499 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top