BIYERNES, MARSO 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,605 total views

Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Oseas 14, 2-10
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Tinig ko’y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Marcos 12, 28b-34

Friday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Oseas 14, 2-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sabi ng Panginoon: “Israel, manumbalik ka na sa Panginoon na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan.” Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo sa Panginoon at sabihin ninyo, “Patawarin mo na kami. Kami’y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami mailigtas ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga larawang ginawa lamang ng aming mga kamay. Sa iyo lamang makatatagpo ng awa ang mga ulila.”

Sabi ng Panginoon, “Patatawarin ko na ang aking bayan.
Mamahalin ko sila nang walang katapusan,
sapagkat mapapawi na ang aking galit.
Ako’y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel,
at mamumulaklak siyang gaya ng liryo,
mag-uugat na tulad ng matibay na punongkahoy;
dadami ang kanyang mga sanga,
gaganda siyang tulad ng puno ng olibo,
at hahalimuyak gaya ng Libano.
Magbabalik sila at tatahan sa ilalim ng aking kalinga.
Sila’y yayabong na gaya ng isang halamanan,
mamumulaklak na parang punong ubas,
at ang bango’y katulad ng alak mula sa Libano.
Efraim, lumayo ka na sa mga diyus-diyosan!
Ako lamang ang tumutugon at nagbabantay sa iyo.
Ako’y katulad ng sipres na laging luntian,
at mula sa akin ang iyong bunga.”

Ang mga bagay na ito’y dapat unawain ng matalino, at dapat mabatid ng marunong. Matuwid ang mga daan ng Panginoon, at doon tumatahak ang mabubuti, ngunit madarapa ang mangangahas na sumuway.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Tinig ko’y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Sa paglabas namin sa bansang mabagsik,
ganito ang wika na aking narinig:
“Mabigat mong dala’y aking iniibis,
ipinababa ko ang pasaning basket.
Iniligtas kita sa gitna ng hirap,
iniligtas kita nang ika’y tumawag.

Tinig ko’y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Tinugon din kita sa gitna ng kidlat,
at sinubok kita sa Batis Meriba.
Kapag nangungusap, ako’y inyong dinggin,
sana’y makinig ka, O bansang Israel.

Tinig ko’y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Ang diyus-diyosa’y huwag mong paglingkuran,
diyos ng ibang bansa’y di dapat luhuran.
Ako’y Panginoon, ako ang Diyos mo,
Ako ang tumubos sa ‘yo sa Egipto.

Tinig ko’y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin,
sundin ang utos ko ng bayang Israel;
ang lalong mabuting bunga nitong trigo,
ang siyang sa inyo’y ipapakain ko;
at ang gusto ninyong masarap na pulot,
ang siya sa inyo’y aking idudulot.

Tinig ko’y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 17

Sinabi ng Poong mahal:
“Kasalanan ay talikdan,
pagsuway ay pagsisihan;
maghahari nang lubusan
ang Poong D’yos na Maykapal.”

MABUTING BALITA
Marcos 12, 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, Guro!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Manalangin tayo sa Diyos Ama na pukawin ng kanyang pag-ibig ang lahat at ang kanyang pag-ibig ay matatak sa ating pakikitungo sa bawat tao.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong Diyos, palaguin Mo kami sa Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman tumigil sa pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa bilang puso ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang huwag kaligtaan kailanman ang magpadama ng habag sa mga kapuspalad, sa mga walang nagmamahal at mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang pakitunguhan ang bawat tao nang may kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at matatanda nawa’y magkaroon tayo ng higit na habag sa pamamagitan ng banayad na pagpukaw ng Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating yumaong mga mahal sa buhay, nawa’y ihatid ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tulungan mo kaming ibigin ka at ang aming kapwa nang walang hangganan katulad ng ginagawa mo. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 25,138 total views

 25,138 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 37,562 total views

 37,562 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 52,997 total views

 52,997 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 54,237 total views

 54,237 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 64,246 total views

 64,246 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

Related Story

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 60 total views

 60 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 360 total views

 360 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 1,039 total views

 1,039 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »

HUWEBES, ABRIL 25, 2024

 1,845 total views

 1,845 total views Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita 1 Pedro 5, 5b-14 Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. Marcos 16, 15-20 Feast of Saint Mark, evangelist (Red) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 5b-14 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

 1,521 total views

 1,521 total views Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 12, 44-50 Wednesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional

Read More »

MARTES, ABRIL 23, 2024

 1,536 total views

 1,536 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir o kaya Paggunita kay San Jorge, martir Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang Panginoong Dakila. Juan 10, 22-30 Tuesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St.

Read More »

LUNES, ABRIL 22, 2024

 4,090 total views

 4,090 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

LINGGO, ABRIL 21, 2024

 3,427 total views

 3,427 total views Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 4, 8-12 Salmo 117, 1 at 8-9. 21-23. 26 at 28kd at 29 Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. 1 Juan 3, 1-2 Juan 10, 11-18 Fourth Sunday of Easter (White) Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations UNANG PAGBASA

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 4,861 total views

 4,861 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 5,812 total views

 5,812 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 6,498 total views

 6,498 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 5,656 total views

 5,656 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 5,979 total views

 5,979 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

LUNES, ABRIL 15, 2024

 6,201 total views

 6,201 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 6,596 total views

 6,596 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »
Scroll to Top