Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, NOBYEMBRE 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,821 total views

Paggunita kay Santa Isabel ng Unggaria, namanata sa Diyos

Karunungan 13, 1-9
Salmo 18, 2-3. 4-5

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

Lucas 17, 26-37

Memorial of St. Elizabeth of Hungary, ReligiousΒ (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Karunungan 13, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Napakahangal ang mga taong hindi nakakikilala sa Diyos.
Nakikita nila ang mabubuting bagay sa daigdig,
ngunit hindi nila makita ang Diyos na buhay.

Pinag-aaralan nila ang kanyang mga nilalang,
ngunit hindi nila nakilala siya, na lumalang sa mga ito.

Sa halip, ang apoy, ang mabilis na hangin, ang unos,
ang mga bituing naglalayag sa karurukan,
ang rumragasang tubig at ang mga tala sa kalangitan,
ang kinikilala nilang mga diyos na namamahala sa daigdig.

Kung kinilala nilang diyos ang mga ito dahil sa kanilang angking kariktan,
dapat ay nalaman nilang higit na dakila ang lumalang sa lahat ng iyan, ang Panginoong Maykapal.

Siya ang pinagmulan ng lahat ng kagandahan, ang lumikha sa lahat ng mga ito.

Kung namangha sila sa kapangyarihan ng mga ito,
dapat nilang malaman na higit ang kapangyarihan ng lumikha sa mga ito.
Sapagkat sa pagmalas natin sa kalawakan at kagandahan ng sangnilkha,
makikilala natin ang Lumikha.

Baka naman hindi sila dapat sisihin nang lubos.
Maaaring nagsikap silang makilala ang Diyos,
ngunit naligaw lamang sa kanilang paghahanap.
Sa pag-aaral ng mga bagay na nasa paligid nila,
lubha silang naakit sa kagandahang kanilang nakita.

Hanggang sa naniwala silang diyos nga ang mga ito.
Ngunit wala silang tunay na maidadahilan sa kanilang pagkaligaw.
Kung nakayanan nilang pag-aralan ang sansinukob,
bakit di nila nakilala ang Panginoong maylikha sa lahat?

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 26-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, β€œAng pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat. Gayun din noong panahon ni Lot. Ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayun din sa pagdating ng Anak ng Tao.

β€œSa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito. Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.” β€œSaan po, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, β€œKung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa wakas ng panahon, ipadadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang tipunin ang kanyang mga hinirang. Habang ating ipinapanalangin ang pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan, hilingin natin sa Diyos na matagpuan niya taong handang humarap sa kanya sa kanyang muling pagbabalik.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang Iyong habag.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagsaksi sa kanilang buhay nawa’y higit na makahikayat ng mga tao at mga bansa sa daan ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magpahayag ng kanilang pananampalataya sa buhay na walang hanggan at maunawaan ang walang hanggang bunga ng bawat kilos natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating sarili nawa’y maihanda natin sa pagdating ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng tuwinang pamumuhay sa katotohanan, katapatan, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng pag-uusig at pang-aabuso nawa’y makatagpo ng tunay na kagalingan upang makamit nila ang katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y bumangong muli sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, hindi namin alam ang oras ng iyong pagbabalik ngunit umaasa kaming hindi kami pababayaan ng iyong pagmamahal. Gawin mo kaming aktibong umaasa, at nawa’y tanggapin ka namin ngayon sa aming puso. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 17,238 total views

 17,238 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: β€œAny person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More Β»

Dugo sa kamay ng mga pulis

 23,462 total views

 23,462 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More Β»

β€œSame pattern” kapag may kalamidad

 32,155 total views

 32,155 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababΓ  sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More Β»

Moral conscience

 46,923 total views

 46,923 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang β€œmoral conscience”? Sa ginagawang β€œbudget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang β€œmoral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More Β»

Pagpa-parking/budget insertions

 54,045 total views

 54,045 total views Kapanalig, sa β€œlaymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More Β»

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 415 total views

 415 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More Β»

Sabado, Setyembre 14, 2024

 1,392 total views

 1,392 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the CrossΒ (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More Β»

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 1,879 total views

 1,879 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the ChurchΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More Β»

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 2,274 total views

 2,274 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kayaΒ Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary TimeΒ (Green) orΒ Optional Memorial of the Holy Name of MaryΒ (White)

Read More Β»

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 2,577 total views

 2,577 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More Β»

Martes, Setyembre 10, 2024

 2,771 total views

 2,771 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More Β»

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,339 total views

 2,339 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kayaΒ Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary TimeΒ (Green) orΒ Optional Memorial of St. Peter Claver, PriestΒ (White) UNANG PAGBASA 1

Read More Β»

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,368 total views

 2,368 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, β€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: β€œHuwag kang

Read More Β»

Sabado, Setyembre 7, 2024

 2,682 total views

 2,682 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kayaΒ Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) orΒ Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More Β»

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 2,918 total views

 2,918 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More Β»

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 3,554 total views

 3,554 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More Β»

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 3,810 total views

 3,810 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More Β»

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,193 total views

 4,193 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and DoctorΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More Β»

Lunes, Setyembre 2, 2024

 4,606 total views

 4,606 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More Β»

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,265 total views

 5,265 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More Β»
Scroll to Top