BIYERNES, NOBYEMBRE 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,462 total views

Paggunita kay San Andres Dung Lac, pari at martir at mga Kasama, mga martir

1 Macabeo 4, 36-37. 52-59
1 Mga Cronica 29, 10. 11abk. 11d-12a. 12bkd

D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

Lucas 19, 45-48

Memorial of St. Andrew Dung-Lac, Priest and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Macabeo 4, 36-37. 52-59

Pagbasa mula sa unang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Judas at ng mga kapatid niya, “Ngayong nagapi na ang mga kaaway, kailangang linisan natin ang templo at muling italaga ito.” Kaya’t ang buong hukbo ay umahon sa Bundok ng Sion.

Nang ikadalawangpu’t lima ng buwan ng Kislev, ikasiyam na buwan ng taong sandaa’t apatnapu’t walo, maagang-maaga silang bumangon at naghandog sa bagong altar ng mga haing susunugin, ayon sa tinakda ng utos ng Diyos. Sa araw na ito’y itinalaga nilang muli ang templo sa gitna ng awitang kasaliw ang mga kudyapi, plauta at pompiyang. Ganito ring araw nang lapastanganin ng mga Hentil ang templo. Lahat ay nagpatirapa, sumamba, at nagpuri sa Diyos na lumingap at pumatnubay sa kanila.

Walong araw silang nagdiwang sa pagtatalagang ito; tuwang-tuwa silang naghandog ng mga susunugin. Naghandog din sila ng hain para sa pagkakaligtas at sa karangalan ng Diyos. Bilang palamuti, ang labas ng templo’y nilagyan ng mga koronang ginto at maliliit na kalasag. Inayos nila at nilagyan ng mga pansara ang mga pintuan ng templo at ang mga silid ng mga saserdote. Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng kalapastanganang ginawa ng mga Hentil. Ipinasiya ni Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng mamamayan ng Israel na sa gayun ding araw, taun-taon ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng templo. Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ika-dalawampu’t lima ng buwan ng Kislev.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Mga Cronica 29, 10. 11abk. 11d-12a. 12bkd

D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

Karapat-dapat kang purihin magpakailanman Panginoon!
Ang Diyos ni Jacob na aming ama.

D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan,
ang karangalan at ang pagtatagumpay
pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.

D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan.

D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan,
at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.

D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan.
ako’y kanilang susundan
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 45-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, “Nasusulat: ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga magnanakaw.’”

Araw-araw, si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan ng siya’y ipapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin tayo sa Ama nang buong pananalig sa kanyang karunungan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa Iyong pamamaraan.

Ang Simbahang Katolika nawa’y akayin ang kanyang mga miyembro sa daan ng katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y matutong tumalikod sa kasalanan nang buong puso, habang nananatiling masunurin sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi pa sumasampalataya nawa’y makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa kaligtasang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay at lahat ng nagdurusa nawa’y huwag nating kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y lumigaya sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang puso ng bawat isa at alam mo ang mga nilalaman nito. Palakasin mo ang aming puso upang sumamba kami nang tunay at buong pusong makapaglingkod sa kapwa ang aming mga kamay sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 72,546 total views

 72,546 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 147,160 total views

 147,160 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 227,239 total views

 227,239 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 270,378 total views

 270,378 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 267,017 total views

 267,017 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 19, 2026

 781 total views

 781 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

Sabado, Hulyo 18, 2026

 2,730 total views

 2,730 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 4,272 total views

 4,272 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 5,554 total views

 5,554 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 6,479 total views

 6,479 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top