Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Oktubre 4, 2024

SHARE THE TRUTH

 1,959 total views

Paggunita kay San Francisco de Asis

Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5
Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lucas 10, 13-16

Memorial of St. Francis of Assisi (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job:
“Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang liwayway?
Ang daigdig ba ay iyong naigawa ng tanglaw,
upang ang masasama’y mabulabog sa taguan?
Dahil sa sikat ng araw ay nagliwanag ang lahat,
parang damit na inayos, ngayon ay nakahayag.
Sa liwanag ng araw natatakot ang masama,
pagkat ang karahasa’y hindi nila magagawa.”

“Napunta ka na ba sa pinagmumulan ng bukal?
Nakalakad ka na ba sa pusod ng karagatan?
May nakapagturo na ba sa iyo sa pintuan
na ang hantungan ay madilim na hukay?
Nalalaman mo ba ang sukat nitong mundo?
Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo.

“Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag,
o ang kadiliman, kung saan nagbubuhat?
Masasabi mo ba kung saan sila dapat bumangga,
o sa pinanggalingan kaya’y mapababalik mo sila?
Ikaw ay matanda na baka nga iyong kaya,
pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay bata na.”

Ang sagot ni Job:
“Narito, ako’y hamak, walang kabuluhan,
wala akong isasagot, bibig ay tatakpan.
Sa panig ko’y nasabi na ang lahat ng sasabihin,
ako’y di na kikibo, nasabi’y di na uulitin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas?
Sa Banal mong Espiritu’y hindi ako makaiwas.
Kung langit ang puntahan ko, pihong ika’y naroroon,
sa Sheol ay naroon ka kung do’n ako manganganlong.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,
o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran;
pihong ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan,
matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus, “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum,
Ibig mong mataas hanggang sa langit?
Ibabagsak ka sa Hades!
“Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ipanalangin natin ang lahat ng lalaki at babae upang pakinggan nila si Kristo at tumugon sila sa tawag ng pagbabalik-loob at pagbabago.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso.

Ang Simbahan nawa’y maging instrumento ng pagpapanumbalik ng mga tao sa kawan at maging instrumento ng paghahanda sa kanilang pagpasok sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y magkapit-kamay sa pagdadala ng kalayaan at dangal sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mapanibago araw-araw sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa higit na mabuting pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinahina ng pagkakasakit nawa’y mabigyang lakas sa pag-ibig at suporta ng kanilang mga kapamilya at mga mahal sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makamtan ang walang hanggang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, hilumin mo ang aming pagkamakasarili at buksan ang aming puso na tanggapin ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sapat ang kasikatan

 3,444 total views

 3,444 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 10,759 total views

 10,759 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 61,083 total views

 61,083 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 70,559 total views

 70,559 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 69,975 total views

 69,975 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 230 total views

 230 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 644 total views

 644 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 1,189 total views

 1,189 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 1,465 total views

 1,465 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 1,741 total views

 1,741 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 1,540 total views

 1,540 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 2,081 total views

 2,081 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 3,491 total views

 3,491 total views Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod Job 9, 1-12. 14-16 Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Mateo 18, 1-5. 10 Memorial of the Holy Guardian Angels (White) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) at Hanay ng mga Banal UNANG PAGBASA Job

Read More »

Martes, Oktubre 1, 2024

 4,525 total views

 4,525 total views Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga Job 3, 1-3. 11-17. 20-23 Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8 Panginoon, ako’y diggin sa pagsamo ko’t dalangin. Lucas 9, 51-56 Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White) Mission Day for Religious Sisters Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-26 na Linggo

Read More »

Lunes, Setyembre 30, 2024

 5,392 total views

 5,392 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Job 1, 6-22 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7 Daing ko’y ‘yong dinirinig tuwing ako’y humihibik. Lucas 9, 46-50 Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job

Read More »

Linggo, Setyembre 15, 2024

 7,932 total views

 7,932 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 8,869 total views

 8,869 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 9,285 total views

 9,285 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 9,664 total views

 9,664 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 9,812 total views

 9,812 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »
Scroll to Top