Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, PEBRERO 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,976 total views

Biyernes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria

Genesis 11, 1-9
Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Marcos 8, 34 – 9, 1

Friday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Seven Holy Founders of the Servite Order, Holy Men (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 11, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sa simula’y iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, nagawi sila sa silangan, sa isang kapatagan sa Sinar. Dito sila huminto at namayan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuing mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Ngayo’y magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng abot sa langit upang matanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak.”

Bumaba ang Panginoon upang tingnan ang lungsod at ang toreng itinatayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng kanilang mga binabalangkas; hindi magluluwat at gagawa sila ng anumang kanilang maibigan. Ang mabuti’y puntahan natin at guluhin ang kanilang wika upang huwag silang magkaunawaan.” At pinangalat ng Panginoon ang mga tao sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lungsod. Babel ang itinawag nila sa lungsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ng Panginoon ang wika ng mga tao. At mula roon, pinapangalat nga niya ang mga tao sa buong daigdig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago’t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kanyang nilalang.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Nagmamasid siya at namamahala
sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
Ang isip nila’y sa kanya nagmula
walang nalilingid sa kanilang gawa.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tama
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 34 – 9, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pinalapit ni Hesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Kapag ang sinuman ay nahiyang kumilala sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na makasalanan at hindi tapat sa Diyos, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao, pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”

Sabi pa ni Hesus sa kanila, “Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikitang naghahari ang Diyos nang may buong kapangyarihan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang masundan natin si Jesus, ang kanyang Anak, at matularan siya nang lubos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, palakasin Mo kaming makasunod sa Iyong anak.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y yakapin ang krus ni Kristo at maging mga buhay na mensahe ng pag-asa sa mga taong ipinagkatiwalang mapasaating pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y marinig nila ang mga daing ng ating mga kababayan lalo na yaong mga nagdurusa dahil sa kawalan ng katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga karapat-dapat na katuwang ng mga taong nabibigatan sa kanilang dinadalang krus sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kalakasang espiritwal sa pamamagitan ng ating pagkalinga at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapahinga sa kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, nawa’y mabanaagan sa aming buhay at sa aming pagkalinga sa pangangailangan ng iba ang lahat ng aming pagsisikap na sumunod kay Jesus. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 129,324 total views

 129,324 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 173,864 total views

 173,864 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 205,258 total views

 205,258 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 221,074 total views

 221,074 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 242,850 total views

 242,850 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Pebrero 2, 2026

 169 total views

 169 total views Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo Malakias 3, 1-4 Salmo 23, 7. 8. 9. 10. D’yos na makapangyariha’y dakilang hari

Read More »

Linggo, Pebrero 1, 2026

 169 total views

 169 total views Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Sofonias 2, 3; 3, 12-13 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mga aba ay mapalad, D’yos ang

Read More »

Martes, Setyembre 30, 2025

 87,979 total views

 87,979 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 88,183 total views

 88,183 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 88,764 total views

 88,764 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top