Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 341,191 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1 ay may tinatayang 98 bilyong cubic feet ng gas, sapat upang makalikha ng halos 14 bilyong kilowatt-hours ng kuryente kada taon. Kaya itong mag-supply ng kuryente sa 5.7 milyong kabahayan.

Sa Malampaya nanggagaling ang malaking bahagi ng natural gas na ginagamit para lumikha ng kuryenteng ginagamit sa malaking bahagi ng Luzon. Pero paunti nang paunti ang supply ng natural gas doon, dahilan upang magsimulang mag-import ng gas ang bansa noong 2023. Pagdating ng 2024, halos kalahati ng kailangan nating gas sa buong bansa ay imported na. Dahil dito, tumaas ang singil sa kuryente. Sa tulong ng bagong diskubre na reservoir, inaasahang mapapalawig ang buhay ng Malampaya hanggang 2030.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, makatutulong ang MAE-1 na pababain ang presyo ng kuryente at tiyaking may supply tayo ng kuryente sa mahabang panahon. Hindi nga lang daw ito agad mararamdaman. Kasabay kasi ng paghahanap ng natural gas ay ang pamumuhunan sa renewable energy sources. Kapag daw pumasok na sa bansa lahat ng mapagkukunan ng enerhiya sa mga susunod na taon, doon palang mararamdaman ang positibong epekto ng MAE-1. Sa pagkaakroon natin ng supply mula sa ating bansa, hindi na tayo gaanong aasa sa importasyon. Mas maliwanag daw ang bukas natin. 

Pero kilatisin nating mabuti ang patuloy na pagdepende sa petrolyo at natural gas para sa paglikha ng enerhiya.

Malaki ang papel ng natural gas sa enerhiya, pero dapat pa ring isaalang-alang ang epekto ng pagpoproseso nito sa kapaligiran. Ang natural gas ay fossil fuel pa rin—non-renewable o nauubos. Ang patuloy na pag-asa at pagpaprayoridad dito ay nagpapatagal lang sa atin sa pag-transition o paglipat tungo sa tunay na sustainable at renewable energy sources. Kung ikukumpara sa renewable energy sources, katulad ng wind at solar, mas mataas pa rin ang kontribusyon ng natural gas sa pag-init ng mundo at sumisira pa ng buhay-dagat. 

Hindi hiwalay ang mga pinsalang ito sa buhay ng tao dahil bumabalik ang mga ito sa anyo ng matitinding sakuna at paglala ng krisis sa klima. Sa Cathoilic social teaching na Laudato Si’, tinalakay ang malalim na ugnayan ng tao, lipunan, at kalikasan. Tinatawag itong integral ecology. Hindi maihihiwalay ang tao sa kalikasan. Sa usapin ng natural gas, bagamat “maliwanag na bukas” ang dala nito para sa mga tao, ibang “bukas” ang haharapin ng kalikasan. 

Hindi rin tiyak na magreresulta sa mas murang kuryente ang natural gas. Ang presyo nito ay dinidiktahan pa rin ng pandaigdigang merkado, kaya labas pa rin sa ating kontrol kung magkano ang aabutin nito. Kung gayon, walang kasiguraduhan ang pangakong ginhawa sa ating mga konsyumer.

Dapat ding harapin ang katotohanang may hangganan ang natural gas. Kahit pa palawigin ng MAE-1 ang buhay nang Malampaya ng ilang taon, nananatili itong pansamantalang source ng enerhiya. Ang patuloy na pag-asa sa mga pinagkukunan ng enerhiya na ilang taon lamang ang itinatagal ay nangangahulugang paulit-ulit lamang nating kakaharapin ang parehong mga problema: kakulangan sa supply, pagdepende sa importasyon, at mahal na kuryente.

Mga Kapanalig, nagbababalâ ang Isaias 24:4-6 na masisira ang daigdig dahil sa kagagawan ng tao, at parurusahan ng Diyos ang sangkatauhan dahil sa paglabag at pagsuway sa Kanyang mga utos. Huwag na nating hintaying magkatotoo ang babalang ito. Huwag nating hayaang ang nagbibigay ilaw at liwanag ngayon sa tao ang siyang magpapadilim sa bukas ng kalikasan. Ang mas maliwanag na bukas ay makakamit lamang kung ang liwanag ngayon ay hindi sumisira sa buhay ng tao at ng buong sangnilikha.

Sumainyo ang katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 8,599 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 8,705 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 70,303 total views

 70,303 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,080 total views

 140,080 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 171,362 total views

 171,362 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 203,377 total views

 203,377 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 352,054 total views

 352,054 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 70,304 total views

 70,304 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,081 total views

 140,081 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 171,363 total views

 171,363 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 203,378 total views

 203,378 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top