Maging mabuting pastol ng Diocese of Kalibo, pangunahing layunin ni Bishop-elect Villareal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,763 total reads

Naniniwala si Kalibo Bishop-elect Fr. Cyril Villareal na ang pagkahirang bilang obispo ay hindi isang karangalan, kundi isang mabigat na pananagutan at malinaw na misyon ng paglilingkod sa Simbahang Katolika.

Aminado ang pari na nakaramdam siya ng takot at pag-aalinlangan nang ipabatid sa kanya ang appointment mula sa Vatican.

“So actually, well, nakakatakot eh. Actually, yung pala pag tinatawag ka na maging obispo, hindi gano’n kadali. It’s not about honor… Alam mo yung naglalaban, yung feeling of being unworthy. Ang dami mo ring kahinaan. Tapos ang laki-laki ng office na ’to,” pahayag ni Bishop-elect Villareal sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon kay Bishop-elect Villareal, ang ganitong tawag ng paglilingkod ay higit na nangangailangan ng panalangin at pagninilay upang maisakatuparan nang tapat ang gawaing pagpapastol sa kawan na ipagkakatiwala sa kanya.

Sa kabila ng kanyang pangamba, lubos niyang ipinagkatiwala sa Panginoon ang mas malawak na misyon ng kanyang ministeryo bilang pari, lalo’t kinikilala ang biyaya ng Diyos ang patuloy na nagpanatili sa kanyang bokasyon sa loob ng mahigit dalawang dekada.

“Kung ako lang, wala na ako eh. It’s all about grace din talaga. If ever I am sustained in my ministry as a priest for more than 24 years, it’s all grace. ’Yon na lang ang hinahawakan ko. Hindi rin ako pababayaan ng Diyos,” ani Bishop-elect Villareal.

Bilang itinalagang pastol ng Diocese of Kalibo, malinaw ang kanyang pangunahing layunin, ang maging mabuting pastol at tapat na katiwala ng buong lokal na simbahan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pakikinig kay Hesukristo bilang huwaran ng pagiging Mabuting Pastol.

“I will really try my best to be a Good Shepherd for Kalibo, for the priests, and for the faithful. I hope God will give me, and that I will always listen to the Good Shepherd so that He will teach me and give me wisdom and compassion, which I think would be needed to become a good shepherd for the people and the clergy of the Diocese of Kalibo,” giit ng bishop-elect.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang bagong hirang na obispo sa Archdiocese of Capiz, lalo na sa mga mananampalataya ng St. Thomas of Villanova Parish na kanyang pinaglingkuran nang mahigit isang taon.

Matatandaang itinalaga ni Pope Leo XIV si Bishop-elect Villareal bilang obispo ng Kalibo noong January 24, bilang kahalili ni Bishop Jose Corazon Tala-oc na nagretiro noong June 2025 matapos maabot ang mandatory retirement age.

Ipapastol ni Bishop-elect Villareal ang mahigit kalahating milyong Katoliko sa lalawigan ng Aklan, katuwang ang halos 80 pari.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 8,549 total reads

 8,549 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 21,518 total reads

 21,518 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 93,371 total reads

 93,371 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 179,873 total reads

 179,873 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 222,906 total reads

 222,906 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 271,587 total reads

 271,587 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top