IFMCP, nagpahayag ng suporta sa mamamayan ng Dupax del Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,021 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines (IFMCP) sa mga mamamayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, sa gitna ng mga pangyayari kaugnay ng pagpapatupad ng Writ of Preliminary Injunction at patuloy na pagmimina sa kabila ng malinaw na pagtutol ng komunidad.

Ayon kay IFMCP Chairperson at Order of Friars Minor (OFM) Minister Provincial Fr. Lino Gregorio Redoblado, hindi mananatiling tahimik ang grupo sa harap ng mga paglabag sa karapatan ng mamamayan at pagkasira ng kalikasan, bilang bahagi ng Simbahang naglalakbay kasama ng mga dukha at ng nilikhang daigdig.

“Hindi kami mananahimik kapag ang buhay ay nilalapastangan. Hindi kami uurong kapag ang lupa ay inaagawan ng tinig. Hindi kami tatalikod kapag ang sambayanan ay inaapi,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang IFMCP kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao dahil sa malinaw nitong paninindigan para sa mga apektadong komunidad.

Sinabi pa ni Fr. Redoblado, ang katapangan at katatagan ni Bishop Mangalinao ay larawan ng isang obispong hindi natatakot magsalita kapag ang kanyang kawan ay nasasaktan, at handang manindigan kapag ang buhay, lupa, at dignidad ng tao ay nalalagay sa panganib.

“Ang kanyang tinig ay hindi lamang tinig ng isang obispo, kundi tinig ng isang Simbahang nagmamahal, nagbabantay, at nakikiisa,” ayon sa pari.

Mula sa pananaw ng mga Franciskano, binigyang-diin ng IFMCP na ang lupa ay hindi pag-aari na maaaring wasakin kundi tahanang dapat igalang at pangalagaan.

Paliwanag ng grupo, si San Francisco ng Assisi ay hindi tumingin sa sangnilikha bilang bagay na maaaring pagsamantalahan, kundi bilang kapwa nilalang na kasamang nagpupuri sa Diyos.

Nanawagan ang IFMCP sa Philippine National Police, Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, at hudikatura na manaig ang paggalang sa karapatang pantao, transparency, at makataong katarungan sa pagharap sa mga usapin.

Tiniyak ng mga Franciskano ang patuloy na pakikiisa sa mga magsasaka, katutubo, kababaihan, kabataan, at sa nagkakaisang sambayanang nagtatanggol sa lupa at buhay.

“Hindi pagmimina ang huling salita. Hindi dahas ang huling sagot. Ang huling salita ay buhay. Ang huling salita ay pag-asa. Ang huling salita ay ang Diyos na nagkaloob ng lupa—hindi upang wasakin, kundi upang alagaan,” giit ng IFMCP.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 8,567 total reads

 8,567 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 21,538 total reads

 21,538 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 93,390 total reads

 93,390 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 179,892 total reads

 179,892 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 222,925 total reads

 222,925 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 271,606 total reads

 271,606 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,743 total reads

 193,743 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top