Wala ba talagang due process?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297,207 total views

Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong graft at malversation (o maling paggamit ng pondo ng bayan). Sumuko siya sa Philippine National Police sa Camp Crame matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Siya ay kasalukuyang naka-detain sa Quezon City Jail, kasama ang mga kapwa-akusado na mga dating opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, at Juanito Mendoza. Ayon sa Office of the Ombudsman, nakipagsabwatan si Revilla sa ilang engineers ng DPWH para makakuha ng halos kickback mula sa iba’t ibang flood control projects. Si Revilla din daw ang nagpahintulot o nagpasimula ng paglalagay ng flood control project sa bayan ng Pandi sa Bulacan sa 2025 national budget. Pero ghost o hindi talaga naipatayo ang proyektong pinaglaanan ng 92.8 milyong piso.

Gaya ng inaasahan, mariin itinanggi ng dating senador ang mga paratang sa kanya. Iginiit niya ang kanyang pagiging inosente, at sinabing haharapin niya ang mga kaso nang walang takot. Alam daw niyang hindi siya pababayaan ng Diyos. Pero sa isang video, sinabi niyang nalulungkot siya dahil “parang wala yatang due process.Due process din panawagan ng kanyang pamilya.

Ang due process ay mahalagang haligi ng ating sistemang pangkatarungan. Walang sinuman ang maaaring alisan ng kalayaan nang walang malinaw na sakdal at nang hindi dumadaan sa sapat na pagdinig ng korte. Sa kaso ni dating Senador Revilla, may pormal na kasong inihain laban sa kanya. May warrant of arrest na inilabas. May hukumang didinig at magpapasya. May pagkakataon ang dating senador na ipagtanggol ang kanyang sarili sa loob ng legal na proseso. Hindi pa ba ito due process?

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si dating Senador Revilla sa isang kasong may kinalaman sa katiwalian. Noong kasagsagan ng pork barrel scam, siya ay kinasuhan ng plunder at graft dahil sa pagbubulsa ng 124.5 milyong piso mula sa kaban ng bayan. Matapos ang mahabang paglilitis, napawalang-sala siya sa kasong plunder noong 2018 at sa mga kasong graft noong 2021. Pero kahit siya ay inabsuwelto, iniutos pa rin ng Sandiganbayan na ibalik ng dating senador ang 124.5 milyong piso. Hindi pa rin ito naibabalik. Hindi tayo dapat magbulag-bulagan sa bagay na ito kung tunay na pananagutan o accountability ang pag-uusapan. Sino ang hindi sumusunod sa due process? Mukhang lumalabo ang kahulugan ng due process sa mga tao kapag hindi pabor sa kanila ang kinalabasan ng pagdinig at ang hatol. 

Paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP): ang tunay na hustisya ay hindi natatapos sa pagpapataw ng parusa. Higit sa lahat, hinihingi nito ang restitution o ang pagsasauli o pagbabayad muli ng anumang kinuha o nawala upang maitama ang pagkakamali. Ang panawagang ito ay hindi lamang usaping legal, kundi moral. Malinaw sa paniniwalang Kristiyano na ang hustisya ng Diyos ay hindi kailanman hiwalay sa katapatan. Ito ay malinaw ring pamantayan ng Diyos. Sabi nga sa Isaias 61:8, “Ako, ang Panginoon, ay umiibig sa katarungan; galit ako sa pagnanakaw at sa kasamaan.” 

Mga Kapanalig, ang tunay na pagsisisi ay may kaakibat na pagpapakumbaba at gawa. Kung walang pananagutan at walang pagbabalik ng ninakaw, hungkag ang anumang pahayag ng pagiging inosente at paghingi ng due process. Dapat manaig ang hustisya, hindi lamang para sa isang pangalan, kundi para sa sambayanang matagal nang nabibigatan sa katiwalian. At sa susunod na halalan, sana ay huwag na nating iboto ang mga may track record sa pagtataksil sa tiwala ng publiko.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 4,600 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,986 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 44,416 total views

 44,416 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 116,981 total views

 116,981 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 148,263 total views

 148,263 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 180,279 total views

 180,279 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 330,257 total views

 330,257 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 44,417 total views

 44,417 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 116,982 total views

 116,982 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 148,264 total views

 148,264 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 180,280 total views

 180,280 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top