Ang tunay na debosyon ay nakikita sa buhay na disiplinado,disente at banal-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,695 total reads

Binigyang-diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang tunay na debosyon ng isang Kristiyano ay hindi lamang nakikita sa mga panlabas na gawain ng pananampalataya, kundi sa isang buhay na disiplinado, disente, at banal.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo sa paggunita ng ikalawang anibersaryo ng pagkakatalaga ng Antipolo Cathedral bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage noong Enero 26, 2026.

Sa kanyang pagninilay, ipinaalala ni Bishop Santos na ang pagkilala sa dambana ay hindi lamang parangal sa isang gusali, kundi sa buhay na pananampalataya ng mga Pilipinong deboto at peregrino na sa loob ng maraming henerasyon ay patuloy na humihingi ng gabay, kapayapaan, at mabuting paglalakbay sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.

“Two years ago, on this very day, our beloved Antipolo Cathedral was formally recognized as the International Shrine of Peace and Good Voyage. This was not merely an honor bestowed upon a building. It was a recognition of a living faith—your faith, our people’s faith, the faith of countless pilgrims who have climbed these steps for generations seeking protection, guidance, and peace.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag din ng Obispo ang disiplinadong debosyon na nagsisimula sa araw-araw na pagpili sa Diyos, kahit sa gitna ng pagod, galit, at tukso.

Ayon kay Bishop Santos, mahalaga ang pagkakaroon ng kaayusan, pasensya, at paggalang sa kapwa lalo na sa mga gawain ng mga peregrino at gawaing panrelihiyon.

Pagbabahagi ng Obispo mula sa disiplina ay umuusbong ang disenteng debosyon, na nakikita hindi lamang sa maayos na kilos at pananamit sa Simbahan, kundi sa integridad ng puso at paggalang sa kabanalan ng Diyos.

“True devotion begins by shaping us into disciplined followers of Christ. Discipline is the steady, daily choice to walk with God even when the path is difficult. It is the quiet decision to pray when we are tired, to forgive when anger feels justified, and to choose honesty when shortcuts tempt us. A disciplined heart does not wait for perfect conditions. It acts with intention. And part of this discipline is learning how to carry ourselves as pilgrims of the Lord — with patience, order, and respect.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Iginiit din ni Bishop Santos na layunin ng debosyon na makipagtagpo sa Diyos, kung saan ang karaniwang gawain ng tao ay nagiging banal sa pamamagitan ng pag-ibig at sakripisyo.

Hiniling naman ng Obispo ang tulong at suporta ng bawat isa upang patuloy na maging tanda ng kapayapaan at kanlungan ng pananampalataya ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kung saan ang bawat deboto ay namumuhay ng may debosyong may disiplina, may dangal, at may kabanalan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang nagkaroon din ng sama-samang pagbibigay pugay ang mga mananampalataya ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje na mas kilala bilang Our Lady of Peace and Good Voyage o Birhen ng Antipolo, na matatagpuan sa Antipolo Cathedral, kasama ang Siete Coronadas ng Diyosesis ng Antipolo.

Bukod sa Birhen ng Antipolo, may pito pang Marian images sa Diyosesis na canonically crowned, kabilang dito ang: Nuestra Señora de los Desamparados – Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned, Marikina City; Nuestra Señora de Aranzazu – Parish of Nuestra Señora de Aranzazu, San Mateo; Nuestra Señora de la Lumen (Our Lady of Light) – Parish of Our Lady of Light, Cainta; Nuestra Señora del Santísimo Rosario – Diocesan Shrine of Our Lady of the Holy Rosary, Cardona; Nuestra Señora de Fátima de Marikina – Parish of St. Paul of the Cross, Marikina City; at Nuestra Señora de la Annunciata – Boso-Boso, Antipolo City, ang pinakahuling ginawaran ng Pontifical Coronation.

Ang bawat isa sa mga imaheng ito ng Mahal na Birhen ay sumasalamin sa makulay na kasaysayan ng pananampalataya, sa mga panalanging dininig, at sa mga biyayang patuloy na dumadaloy sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 13,248 total reads

 13,248 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,746 total reads

 73,746 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 95,366 total reads

 95,366 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,021 total reads

 176,021 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 277,034 total reads

 277,034 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top