Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, HULYO 18, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,334 total views

Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Isaias 26, 7-9. 12. 16-19
Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Mateo 11, 28-30

Thursday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 26, 7-9. 12. 16-19

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Pinapatnubayan mo ang mga taong matuwid,
at pinapatag mo ang kanyang landas.

Panginoon, sinusunod ka namin at inaasahan,
ikaw lamang ang lahat sa aming buhay.
Pagsapit ng gabi’y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa.

Kapag ang batas mo’y umiral sa daigdig,
ang lahat ng tao’y mamumuhay nang matuwid.

Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kasaganaan,
at anumang magawa nami’y dahil sa iyong pagpapala.

Hinanap ka nila sa gitna ng hirap,
nang parusahan mo’y ikaw ang tinawag.

Ang katulad namin sa iyong harapan ay babaing manganganak,
napapasigaw sa tindi ng hirap.

Nagdanas kami ng matinding hirap,
ngunit walang naidulot na kabutihan,
walang tagumpay na naidulot sa bayan,
wala kaming nagawa anuman.

Ngunit ang mga anak mong namatay ay muling mabubuhay
mga bangkay ay gigising at aawit sa galak;
kung ang paanong ang hamog ay nagpapasariwa sa lupa,
gayun ang espiritu ng Diyos, nagbibigay-buhay sa mga patay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Ikaw, Panginoon, ay haring walang hanggan,
di ka malilimot ng buong kinapal.
Ikaw ay mahabag, tulungan ang Sion,
pagkat dumating na ang takdang panahon.
Mahal pa rin siya ng ‘yong mga lingkod
bagamat nawasak at gumuhong lubos.

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Ang lahat ng bansa sa Poon ay takot,
Maging mga hari sa buong sinukob.
Kung iyong itayong pamuli ang Sion,
ika’y mahahayag doon, Panginoon.
Daing ng mahirap ay iyong diringgin,
Di mo tatanggihan ang kanilang daing.

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Ito’y matititik upang matunghayan,
ng sunod na lahing di pa dumaratal;
ikaw nga, O Poon, ay papurihan.
Mula sa itaas, luklukan mong banal,
Ang lahat sa lupa’y iyong minamasdan.
Iyong dinirinig ang pagtataghuyan
ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,
upang palayain sa hirap na taglay.

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 28-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sinabi ni Hesus, “Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo” (Mt 11:28). May pananalig sa kanyang pangako, ipahayag natin ang ating mga pangangailangan sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, Ikaw ang aming kapayapaan.

Ang Simbahan nawa’y gabayan tayo sa daan ng kapayapaan at pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga natutukso sa kawalan ng pag-asa dahil sa bigat ng kanilang mga suliranin nawa’y makatagpo ng sandigan kay Jesus at mailagay sa kanyang mga kamay ang kanilang mga alalahanin at ligalig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa maligalig na kaisipan nawa’y magkaroon ng kapayapaan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapan sa tindi ng sakit ng katawan at karamdaman nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kagalingan sa mga kumakalinga at nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magbunyi sa walang hanggang kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipinangako ng iyong Anak ang kapahingahan kapag kami ay nabibigatan. Ipaubaya mo na tuwina kaming makatugon sa kanyang paggabay at mapalakas kami upang maging kanyang daan ng kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 175,446 total views

 175,446 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 197,222 total views

 197,222 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 221,123 total views

 221,123 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 327,973 total views

 327,973 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 351,656 total views

 351,656 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 86,311 total views

 86,311 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 86,542 total views

 86,542 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 87,120 total views

 87,120 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 66,488 total views

 66,488 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 66,597 total views

 66,597 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top