3,605 total views
Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Genesis 16, 1-12. 15-16
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5
Pasalamat tayo sa Dâyos, kabutihan niyaây lubos.
Mateo 7, 21-29
Thursday of the Twelfth Week in Ordinary Time (Green)
UNANG PAGBASA
Genesis 16, 1-12. 15-16
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
Hindi magkaanak si Sarai na asawa ni Abram. Kaya naalaala niya si Agar, ang alipin niyang babaeng taga-Egipto. Sinabi niya, âAbram, yamang pinagkaitan ako ng Panginoon ng anak, ang alipin ko ang sipingan mo. Baka sakaling magkaanak siya para sa akin!â At ipinaubaya nga ni Sarai sa kanyang asawa si Agar. Sampung taon na si Abram na naninirahan sa Canaan nang itoây nangyari. Matapos silang magsama bilang mag-asawa, nagdalantao si Agar. Itoây ipinagmalki niya at hinamak pa si Sarai.
Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, âIkaw ang dahilan ng paghamak ni Agar sa akin! Alam mong ako ang nagkaloob sa iyo ng alipin kong ito; bakit niya ako hinahamak ngayong siyaây nagdadalantao? Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang matuwid.â
At sumagot si Abram, âIbinabalik ko siya sa iyo at gawin mo sa kanya ang gusto mo.â Pinagmalupitan ni Sarai si Agar, kaya itoây tumakas.
Sinalubong siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal na nasa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa lansangang patungo sa Shur. Tinanong siya, âAgar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?â
âTumakas po ako sa aking panginoon,â ang sagot niya.
âMagbalik ka at pailalim sa kanyang kapangyarihan,â wika ng anghel. At idinugtong pa:
âAng mga anak mo ay pararamihin,
at sa karamihaây di kayang bilangin;
di magluluwat, ikaây magsusupling,
ngalang itatawag sa kanyaây Ismael;
dininig ng Panginoon, iyong mga daing.
Ngunit ang anak moây magiging mailap,
hayop na asno ang makakatulad;
maraming kalaban, kaaway ng lahat,
di makikisama sa mga kaanak.â
Nagsilang nga si Agar ng isang lalaki at itoây pinangalanang Ismael. Nooây walumpuât anim na taon na si Abram.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5
Pasalamat tayo sa Dâyos, kabutihan niyaây lubos.
Magpasalamat sa Panginoong Diyos. pagkat siya ay mabuti,
ang kanyang pag-ibig na hindi kukupas ay mananatili.
Sinong mangangahas upang magpahayag na siyaây dakila?
Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?
Pasalamat tayo sa Dâyos, kabutihan niyaây lubos.
At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan
na gawang matuwid ang siyang adhika sa buo nâyang buhay.
Pasalamat tayo sa Dâyos, kabutihan niyaây lubos.
Tulungan mo ako, kapag ang bayan moây iyong nagunita,
sa pagliligtas mo, isama mo sana ang lingkod mong aba;
upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,
kasama ng iyong bansang nagagalak, akoây magdiriwang.
Pasalamat tayo sa Dâyos, kabutihan niyaây lubos.
ALELUYA
Juan 14, 23
Aleluya! Aleluya!
Ang sa akiây nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Amaât akoây mananahan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 7, 21-29
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, âHindi lahat ng tumatawag sa akin, âPanginoon, Panginoon,â ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, âPanginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!â At sasabihin ko sa kanila, âKailanmaây hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!â
âKayaât ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.â
Nang masabi na ni Hesus ang mga pananalitang ito, ang mga taoây namangha. Sapagkat nagturo siya na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
May pananalig tayong kumakapit sa Ebanghelyo na naghihikayat sa ating itatag ang espiritwal na tahanan sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo ngayon sa Ama.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, patatagin mo kami sa iyong salita.
Ang mga pinuno at miyembro ng Simbahan nawaây mamuhay sa espiritu ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng tapat at mababang-loob na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mag-asawa nawaây matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng kanilang katapatan sa isaât isa at sa mabuting halimbawa na kanilang ipinakikita sa kanilang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataang lumalaki sa magulo at nakalilitong daigdig nawaây makatagpo ng kahulugan sa kanilang mga buhay at matulungan silang malagpasan ang anumang kabiguan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit na nagdurusa sa masamang pangangatawanan nawaây makaranas ng mapagmahal na kabutihan, mapagkalingan presensya, at mapagpagaling na kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga taong nauna nang lumisan sa mundong ito nawaây igawad ang walang hanggang kapahingahan at walang katapusang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, ukitin mo ang iyong mga salita at mga utos sa aming mga puso at akayin mo kami sa daan ng pag-ibig at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.