Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Marso 27, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,454 total views

Huwebes sa Ika-3 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 7, 23-28
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Lucas 11, 14-23

Thursday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 7, 23-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga tao na sumunod sa akin upang sila’y maging aking bayan at ako naman ang Diyos nila. Sinabi kong mamuhay sila ayon sa ipinag-uutos ko, at sila’y mapapanuto. Ngunit hindi sila tumalima; ayaw nilang makinig sa akin. Sa halip, ginawa nila ang balang maibigan at lubusang nagpakasama, sa halip na magpakabuti. Mula nang lumabas sa Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, patuloy akong nagsugo ng aking mga alipin, ang mga propeta. Subalit hindi ninyo sila pinakinggan ni pinahalagahan. Nagmatigas kayo at masahol pa ang ginawa ninyo kaysa ginawa ng inyong mga ninuno.

“Jeremias, sasabihin mo ang lahat ng ito sa kanila subalit hindi sila makikinig sa iyo. Tatawagin mo sila ngunit hindi ka nila papansinin. Kaya ganito ang sabihin mo sa kanila: ‘Narito ang bansang ayaw makinig sa tinig ng Panginoong kanilang Diyos, at ayaw ituwid ang kanilang landas. Naglaho na sa kanila ang katotohanan at di man lamang nababanggit.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit
sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan,
ating papurihan
ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit,
sa kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay purihin,
ng mga awiting may tuwa at galak.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit,
sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos,
tayo ay kalinga niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:
“Iyang inyong puso’y
huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang
nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t
doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita
ang aking ginawang sila’ng nakinabang.”

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Joel 2, 12-13

Magsisi tayong mataos,
halinang magbalik-loob
sa mapagpatawad na D’yos;
sa kanya tayo’y dumulog
at manunumbalik na lubos.

MABUTING BALITA
Lucas 11, 14-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pinalayas ni Hesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito’y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila din ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.

“Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.

“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Habang tayo ay natitipon kay Kristo na nangingibabaw sa lahat ng kasamaan, buong pagtitiwala tayong lumapit sa Ama taglay ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming kaisa ng Iyong anak.

Ang Simbahan nawa’y magpanibago at magpatotoo nang tapat sa mga dapat pahalagahan sa buhay at tumulong sa muling pagbubuo ng isang wasak na mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong mananampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na mangaral sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang buong pusong itaguyod ang pagtatanggol sa katotohanan at salungatin ang malikhaing pang-aakit ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y paginhawahin ng pag-ibig ng Diyos na kanilang nararanasan sa pangangalaga ng mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, sa paghahandog namin ng mga panalangin, pinasasalamatan ka namin dahil sa iyong Anak na tumubos sa kasalanan at kamatayan, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,584 total views

 79,584 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,359 total views

 87,359 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,539 total views

 95,539 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,082 total views

 111,082 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,025 total views

 115,025 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Lunes, Abril 21, 2025

 183 total views

 183 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 1,085 total views

 1,085 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 1,382 total views

 1,382 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 1,673 total views

 1,673 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 1,946 total views

 1,946 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 2,352 total views

 2,352 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 2,382 total views

 2,382 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,608 total views

 2,608 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 2,846 total views

 2,846 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 3,378 total views

 3,378 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 3,435 total views

 3,435 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 3,662 total views

 3,662 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 3,813 total views

 3,813 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 4,185 total views

 4,185 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »

Linggo, Abril 6, 2025

 4,139 total views

 4,139 total views Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) Isaias 43, 16-21 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya

Read More »
Scroll to Top