Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) June 26, 2025 – 12:00 NN
SHARE THE TRUTH
559 total reads
#VERITASREFLECTION: “Ang lakas ng ating loob ay nanggagaling kay Hesus. Kapanalig, mayroon mang umuusig sa atin— sitwasyon man ito o tao laban sa pagpapalago natin ng pananampalataya sa Diyos, ating na lamang itong ipanalangin at ialay sa kanyang kabanalan. Basta’t mayroon tayong pananampalataya sa Kanya, ang mga taong umuusig sa atin laban sa kaharian ni Hesus ay hindi magtatagumpay kailanman. Tatagan natin ang ating loob at ipanalangin ang mga mang-uusig kay Kristo Hesus.”
– Rev. Fr. Miguel Luarez Condes, O.CARM Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) June 26, 2025 – 12:00 NN
Rev. Fr. Anton CT Pascual
Tuesday, November 10, 2026 7:00 am
1,483 total reads
Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.
Mayorya ng mga upuan sa kanilang House of Representatives at Senado ay nakuha ng mga kandidato mula sa Democratic Party; si Pangulong Trump ay mula naman sa Republican Party. Ang ibig sabihin nito, mas malakas na muli ang tinatawag na “legislative check” sa ehekutibong sangay. Sa mahabang panahon kasi, kontrolado ng mga kakampi at kapartido ni Pangulong Trump ang Kongreso doon, kaya natatabunan ang mga kumukuwestyon sa kanyang mga ginagawa. Ngayon, ayon sa mga analysts, magiging malaking hamon para kay Pangulong Trump ang pagkuha ng suporta ng mga kongresista at senador para sa mga gagawin niya sa nalalabing panahon ng kanyang termino.
Malayo man ang Amerika sa Pilipinas, ramdam na ramdam natin ang epekto ng mga ginagawa ng kanilang gobyerno. Pinakamatindi sa mga ito ang giyerang sinimulan ng Amerika sa Middle East, partikular na sa Iran, sa unang bahagi ng 2026.
Krisis na ngang maituturing ang pagsirit ng presyo ng langis, lalo pa’t 95% ng langis natin ay inaangkat mula sa Middle East. Dahil sa giyera, pahirapan ang paglabas ng langis sa rehiyon, at ang resulta nito ay mas kaunting suplay at mas mahal na presyo. Naaalala pa ba ninyo nang lumampas sa sandaang piso ang kada litro ng diesel? Napililtan ang gobyerno natin na magdeklara ng national energy emergency. Sumunod dito ang pagtaas ng pamasahe, singil sa kuryente, at presyo ng mga pagkain. Dahil malaking bahagi ng kinikita ng mga ordinaryong pamilya ang napupunta sa mga bagay na ito, bumagsak sa kanila ang bigat ng krisis.
Marami rin sa mga overseas Filipino workers (o OFW) ay nagtatrabaho sa Middle East. Nasa 2.5 milyon ang OFW doon, kaya hindi biro ang bilang ng mga pamilya nila rito na umaasa sa kanilang remittances. Dahil malapit sila sa lugar kung saan may kaguluhan, may mga pinagtatrabahuhan sila na nagbawas ng operasyon o tuluyang nagsara. Depende sa bansang target puntahan ng mga Pilipinong manggagawa, may mga lugar na hindi pinapayagang pumasok ang mga bagong OFW. Maaari namang bumalik ang mga kababayan nating may umiiral na employment contracts, pero hindi man apektado ang kanilang trabaho, nalalagay naman sa panganib ang kanilang buhay.
Maliban sa giyerang sinimulan ng Amerika, apektado rin ang ating ekonomiya ng mas matass na buwis na ipinapataw sa mga produktong ine-export natin. Maswerte pa rin tayo kumpara sa mga kapitbahay natin na pinatawan ng mas mataas na tariff, pero ang patakarang ito ng Amerika ay nagpahina sa halaga ng piso laban sa dolyar. Kapag mas mahina ang piso—ibig sabihin, mas maraming piso ang kailangan para bilhin ang mga produktong dolyar ang halaga—nagiging mas mahal ang mga ini-import nating produkto gaya nga ng langis.
Ilan lamang ang mga epektong ito sa katotohanang kinikilala maging ng mga panlipunang turo ng Simbahan: na ang lahat ng tao ay magkakaugnay, at ang mga bansa ay dapat nakasalalay sa isa’t isa. Ang desisyong ginagawa ng mga makapangyarihang bansa katulad ng Estados Unidos ay may kaakibat na responsabilidad dahil may implikasyon ito sa mga bansang hindi nila kasinlakas o kasinlaki, gaya ng Pilipinas. Kapag ang isang malaking bansa ay gumagawa ng hakbang na hindi lang nagpapataas sa presyo ng langis kundi nagbabanta sa buhay ng mga mamamayan, nalalagay sa alanganin ang prinsipyo ng solidarity. Dapat tandaan ng mga tinaguriang global superpowers na hindi lang dapat sarili nilang interes ang kanilang itinataguyod.
Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa 1 Timoteo 2:1-2, “idalangin [natin] ang mga may kapangyarihan, upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.”
Reyn Letran - Ibañez
Monday, November 9, 2026 9:06 am
8,481 total reads
Hinimok ng Diocese of Borongan ang mga mananampalataya na isabuhay ang pamamaraang “See, Judge, and Act” o “Tumingin, Magnilay at Kumilos” upang tugunan ang lumalalang krisis pangkapaligiran, kasabay ng paggunita sa ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.
Sa mensaheng inilabas nitong Nobyembre 8, 2026, sinabi ni Diocesan Administrator Rev. Fr. Jan Michael J. Gadicho na hindi lamang takot at pinsala ang dapat alalahanin sa trahedya kundi pati ang pag-asa, karunungan, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipinong bumangon at muling nagtayo ng kanilang mga komunidad.
“Thirteen years ago, Super Typhoon Yolanda swept over our land. As we remember it today, we do not go back to the horror and the fear. We go back to the hope and the wisdom it left us. Out of our ruins, God raised a people who learned to stand, to share, and to rebuild together.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gadicho.
Muli ring ipinagkatiwala ng diyosesis sa habag ng Diyos ang mga kaluluwa ng mga nasawi at ang mga naulilang pamilya, habang pinasalamatan ang mga indibidwal, komunidad at organisasyong tumulong sa mga nasalanta.
Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Gadicho na hindi sapat ang pag-alala lamang sa trahedya dahil patuloy na lumalala ang mga suliraning pangkapaligiran.
“We continue to entrust the souls of the victims to the compassionate hands of God, and the grieving families to his consoling heart. We thank the Lord for the generous people, communities, institutions, and organizations who eased our burdens and inspired us by their generosity. But remembering is not enough. Yolanda asks something of us today, in the midst of an environmental emergency that grows more urgent each year. The Church gives us a way to respond: see, judge, and act.” Dagdag pa ni Fr. Gadicho.
Hinimok ng tagapangasiwa ng Diyosesis ng Borangan ang publiko “TO SEE,” o buksan ang mga mata sa paghihirap ng kalikasan at ng mahihirap na mamamayan, kabilang ang mapanirang pagmimina, mas malalakas na bagyo, pagtaas ng lebel ng dagat, pagguho ng mga baybayin at pagkasira ng kabuhayan.
Binigyang-diin rin ng Pari sa kanyang mensahe ang paalala ni Pope Francis sa Laudato Si’ na ang pagtangis ng daigdig ay pagtangis rin ng mga dukha dahil ang mga mahihirap at bulnerableng komunidad ang unang nakararanas ng pinakamabigat na epekto ng krisis na hindi nila pangunahing kagagawan.
“Let us open our eyes to the suffering of creation and of the poor: our islands exploited by mining, stronger storms, rising seas, eroded coasts, destroyed livelihoods, and families who must rebuild again and again. “The cry of the earth is the cry of the poor”(Laudato Si, 49). Those who suffer first and most are those who did the least to cause the crisis.” Ayon pa kay Fr. Gadicho.
Hinimok rin ng Pari ang mga mananampalataya “TO JUDGE” o suriin ang mga suliraning pangkapaligiran batay sa liwanag ng Ebanghelyo at ipinaalala na ang mundo ay kaloob ng Diyos na ipinagkatiwala sa tao, hindi pag-aari upang abusuhin o pagsamantalahan.
Ayon kay Fr. Gadicho, “Let us weigh what we see in the light of the Gospel. The earth is a gift entrusted to us by the Creator, not a possession to be exploited.
The Word of God reminds us, The LORD God took the man and put him in the garden of Eden to till it and keep it ” (Genesis 2:15). The cry of the earth is also a cry for justice and stewardship. Neglecting creation and neglecting the poor are one and the same failure of love.”
nanawagan din si Fr. Gadicho sa bawat mananampalata “TO ACT” o konkretong kumilos para pangalagaan ang ating iisang tahanan.
Kabilang sa mga iminungkahing hakbang ng Pari ang pagtutol sa mapanirang pagmimina, pagtatanim at pangangalaga ng mga puno at bakawan, pagbabawas ng basura, paghahanda ng mga pamilya at parokya sa mga sakuna, pagtulong sa mga bulnerableng sektor at pagsusulong ng makatarungan at responsableng mga patakaran pangkapaligiran.
“Let us act with care for our common home: reject destructive mining, plant and protect trees and mangroves, reduce waste, prepare our families and parishes for disasters, support those most vulnerable, and make our voices heard for just and responsible policies. Let us begin in our homes, parishes, schools, and communities.” Ani Fr. Gadicho.
Hinimok din ang bawat isa na simulan ang pagkilos sa kani-kanilang tahanan, parokya, paaralan at komunidad.
“We ask the Lord for guidance and strength, that, learning from the impact of Yolanda, we may be compelled to see, to judge, and to act. May the God who walked with us through the storm keep us steadfast in hope and generous in love.” Panalangin ni Fr. Gadicho.
Ayon kay Fr. Gadicho, ang tunay na pag-alala sa mga nasalanta ng Yolanda ay dapat magbunga ng malasakit, katarungan at sama-samang pagkilos, lalo na para sa mga mahihirap na higit na nagdurusa sa epekto ng pagkasira ng kalikasan.
Rev. Fr. Nicanor Lalog II
Monday, November 9, 2026 8:49 am
7,407 total reads
Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Feast of the Dedication of the Lateran Basilica, 09 November 2026
Ezekiel 47:1-2, 8-9, 12 ><}}}}*> 1 Corinthians 3:9-16-17 ><}}}}*> John 2:13-22
Photo by author, Cathedral of the Our Lady of Pillar, Imus, Cavite, 27 October 2026.
Let your zeal
for your house
consume me, Lord Jesus!
On this feast of the dedication
of the St. John Lateran Basilica
which is the "mother and head
of all churches of Rome
and the world",
I pray for a thorough
cleansing of ourselves
and of the Church
from the inside;
as I pray on that scene
when you "made a whip
out of cords and drove out
all the money changers with
their tables" along with the
animals and doves being sold
there, I see the present situation
of your Church, Jesus;
yes, we have made the Father's house
a marketplace -
everything has become a business
because we are
so afraid of having less,
of being poor,
of going hungry and thirsty
that is why we have gravitated
towards the rich and powerful,
including corrupt politicians
we love rubbing elbows with
totally forgetting the poor and
the hungry, the very people themselves
we are meant to serve
we have actually detached from.
Cleanse our very hearts,
Jesus, for we your clergy
are your vessels and instruments
to make known your gospel
but sadly we have become so busy
with so many other works
we have justified,
leaving us without time with you
in personal, daily prayers
that have made our celebrations
of the Mass empty,
becoming selective in dispensing
the sacraments especially
Confession and Anointing
while our lives drift apart from
your ways, we becoming the
influencer,
the star.
Reignite our zeal
for your Church, Jesus
that we finally make
a firm stand against sin
and evils perpetrated by brothers
hiding in cassocks and vestments;
we pray for every bishop
not to dilly dally in their being
teachers of faith that they may
defend always the teachings of
the Church instead of being
accommodating with the ways of
the world; we pray for every bishop
to use their staff in disciplining
wayward priests
while being fair and just
with all their priests.
Let us overturn,
Jesus, the systemic
culture of silence among us
your priests so that we may
walk our talks,
do away with clericalism
and petty turf wars that bloated
our ego to forget our calling
to bring life
and joy
to those suffering
and in pain
especially those
at the margins.
Amen.
1,484 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon. Mayorya ng
152,581 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka
222,757 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
309,202 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at
38,894 total reads #VERITASREFLECTION: “…Bawat isang tao ay mahalaga sa Panginoon… At gusto ng Panginoon ay lahat makarating ng kanyang kaharian, sa kalangitan.”-Rev. Fr. Joey IrlandesMiyerkules
38,895 total reads #VERITASREFLECTION: “Gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa makakasalanan, nawa ay ating isabuhay ang magpatawad sa mga taong nagkakasala rin sa atin. Bigyan natin
38,896 total reads #VERITASREFLECTION: “Ang ating buhay ay dapat sumasalamin sa kadakilaan at kababaang loob ng Panginoon.”– Rev. Fr. Ritche Salgado, O.CARMMiyerkules ng Ika-14 na Linggo
38,896 total reads #VERITASREFLECTION: “Samahan natin ng malalim na pananampalataya ang ating hiling na makalaya sa ating mga sakit dahil walang imposible sa Diyos at kayang-kaya
38,895 total reads #VERITASREFLECTION: “Nawa’y ang puso natin ay laging ibukas ng Panginoon upang makita natin ang kagandahang loob Niya. Sapagkat sa pagbubukas ng ating puso,