Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, NOBYEMBRE 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 658 total views

Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Mga Pagbasa para sa Unang Misa

2 Macabeo 12, 43-46
Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Roma 8, 31b-35. 37-39
Juan 14, 1-6

Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White)

UNANG PAGBASA
2 Macabeo 12, 43-46

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, nagpalikom si Judas, ang pinuno ng Israel, ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at ipinadala sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa kasalanan. Ginawa ito ni Judas sapagkat naniniwala siya sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi’y magiging kahangalan lamang ang ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namamatay na nanatiling tapat ay tatanggap ng dakilang gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkakasala ng mga namatay na ito ay patawarin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa kaniya.
Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan,
alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Ang buhay ng mga tao’y parang damo ang katulad,
sa parang ay lumalago na animo ay bulaklak;
kapag ito’y nahanginan, nawawala’t nalalagas,
nawawala mandin ito at hindi na namamalas.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan,
sa sinuman sa kanya’y may takot at pagmamahal;
ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
Yaong magtatamo nito’y ang tapat sa kanyang tipan,
at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 8, 31b-35. 37-39

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin? Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi ibinigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang Anak? Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinihirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino nga ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo Hesus bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang namatay at muling binuhay, at ngayo’y namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi! Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi magkapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos – pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 25, 34

Aleluya! Aleluya!
Halina at inyong kamtan
ang langit na kaharian
pamana ng Amang mahal.
Aleluya! Aleuya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Sumasampalataya tayo sa kasamahan ng mga banal. Taglay ang pananampalatayang ito, tulungan natin ng ating mga panalangin ang lahat ng namayapa, lalo na ang mga nangangailangan ng mga ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pakinggan mo ang aming mga panalanging bunga ng pag-ibig at pananampalataya.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman malimutan sa lupa ang Simbahang naghihintay para sa kaluwalhatiang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong natatakot harapin ang kamatayan nawa’y makatagpo ng pag-asa kay Kristong Muling Nabuhay at sa kanyang nagpapalinis na pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay nawa’y maglubag ang kalooban sa kanilang pananalangin para sa kaluluwa ng kanilang minamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang habag na nahayag sa purgatoryo nawa’y magpatibay sa ating pagtitiwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kaluluwa ng mga hindi nakakilala kay Kristo noong sila ay nabubuhay pa nawa’y pagkalooban ng liwanag at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng buhay, inihahabilin namin sa iyong pangangalaga ang mga kaluluwa ng mga naghihintay na makabahagi sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ng iyong Anak, ang aming Manunubos, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.


Mga Pagbasa para sa Ikalawang Misa

Karunungan 3, 1-9
Salmo 115, 15. 6; Salmo 116, 10-11. 15-16ak

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

Roma 6, 3-4. 8-9
Juan 6, 37-40

Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White)

UNANG PAGBASA
Karunungan 3, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay;
iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho.
Ngunit ang totoo, sila’y nananahimik na.
Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan,
ngunit ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala
napatunayan ng Diyos na sila’y karapat-dapat.
Sila’y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,
kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,
at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.
Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan.
At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 15. 6; Salmo 116, 10-11. 15-16ak

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

o kaya: Aleluya.

Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsasalita,
at hindi rin makikita, mga matang sadyang-sadya;
at hindi rin makarinig ang kanilang tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang pananalig,
bagamat ang aking sabi’y, “Ako’y ganap nang nalupig.”
Bagaman at ako’y takot, nasasabi ko kung minsan,
“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.
Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod;
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 6, 3-4. 8-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli ni Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 25, 34

Aleluya! Aleluya!
Halina at inyong kamtan
ang langit na kaharian
pamana ng Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 37-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Sumasampalataya tayo sa kasamahan ng mga banal. Taglay ang pananampalatayang ito, tulungan natin ng ating mga panalangin ang lahat ng namayapa, lalo na ang mga nangangailangan ng mga ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pakinggan mo ang aming mga panalanging bunga ng pag-ibig at pananampalataya.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman malimutan sa lupa ang Simbahang naghihintay para sa kaluwalhatiang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong natatakot harapin ang kamatayan nawa’y makatagpo ng pag-asa kay Kristong Muling Nabuhay at sa kanyang nagpapalinis na pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay nawa’y maglubag ang kalooban sa kanilang pananalangin para sa kaluluwa ng kanilang minamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang habag na nahayag sa purgatoryo nawa’y magpatibay sa ating pagtitiwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kaluluwa ng mga hindi nakakilala kay Kristo noong sila ay nabubuhay pa nawa’y pagkalooban ng liwanag at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng buhay, inihahabilin namin sa iyong pangangalaga ang mga kaluluwa ng mga naghihintay na makabahagi sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ng iyong Anak, ang aming Manunubos, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 22,255 total views

 22,255 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 28,479 total views

 28,479 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 37,172 total views

 37,172 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 51,940 total views

 51,940 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 59,062 total views

 59,062 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 716 total views

 716 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 1,693 total views

 1,693 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 2,179 total views

 2,179 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 2,574 total views

 2,574 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 2,878 total views

 2,878 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 2,959 total views

 2,959 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,521 total views

 2,521 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,550 total views

 2,550 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 2,865 total views

 2,865 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 3,100 total views

 3,100 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 3,736 total views

 3,736 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 3,993 total views

 3,993 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,375 total views

 4,375 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 4,789 total views

 4,789 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,447 total views

 5,447 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top