Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, PEBRERO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 9,803 total views

Huwebes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Hari 2, 1-4. 10-12
1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Marcos 6, 7-13

Thursday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Hari 2, 1-4. 10-12

Pagbasa mula sa unang aklat ng Mga Hari

Nang sa pakiramdam ni David ay nalalapit na ang kanyang pagpanaw, sinabi niya kay Solomon: “Malapit na akong mamayapa. Magpakatatag ka at magpakalalaki. Tuparin mo ang iyong tungkulin sa Panginoon na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban. Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayun, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain; at tutuparin ng Panginoon ang pangako niya sa akin: ‘Kapag ang iyong mga anak at inapo ay nanatiling tapat sa akin at sumunod sa akin nang buong puso’t kaluluwa, hindi mapapatid ang iyong lahi sa trono ng Israel.’”

Namatay nga si Haring David ay inilibing siya sa Lungsod ni David. Apatnapung taon siyang naghari: pito sa Hebron at tatlumpu’t tatlo sa Jerusalem.

Naluklok si Solomon sa trono ni David at panatag ang kanyang paghahari.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Karapat-dapat kang purihin magpakailanman Panginoon!
Ang Diyos ni Jacob na aming ama.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay
pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan,
at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.

D’yos na Makapangyarihan,
Panginoon ka ng tanan.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 7-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, tinawag ni Hesus ang Labindalawa, at sinugong dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, at pinagbilinan: “Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala. Ngunit magsuot kayo ng panyapak.” Sinabi rin niya sa kanila, “At sa alinmang tahanang inyong tuluyan – manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang dako, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa, bilang babala sa mga tagaroon.” Kaya’t humayo ang Labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila at talikdan ang kanilang mga kasalanan. Pinalayas nila ang maraming demonyo sa mga inaalihan nito; pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Inaanyayahan tayo ng Diyos Ama upang maging mga lingkod niya sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Manalangin tayo para sa biyaya na ating maunawaan ang dignidad ng ating misyon at para sa kinakailangang lakas upang maisagawa ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Samahan Mo ang iyong mga isinugo, O Panginoon.

Ang naglalakbay na Simbahan nawa’y higit na humikayat ng mga tao upang magbagumbuhay sa pamamagitan ng pagiging saksi kay Jesu-Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero na nagpupunyagi sa ibang bansa nawa’y biyayaan ng Diyos ng mayamang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y patuloy na magsumikap na ibahagi ang pananampalataya sa kanilang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong nabibigatan sa mga kasawian sa buhay nawa’y maipakita nating lahat ang ating pag-aaruga, pakikiisa, pag-ibig, at pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y maging malaya sa mga alalahanin sa mundong ito at magkamit ng kasiyahan ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nagtitiwala kami sa iyo. Pinili mo kami sa pamamagitan ni Kristo upang ipahayag ang pag-ibig na iyong ipinakita sa amin. Gawin mo kaming tapat sa mensahe ng Ebanghelyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 15,148 total views

 15,148 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 21,372 total views

 21,372 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 30,065 total views

 30,065 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 44,833 total views

 44,833 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 51,955 total views

 51,955 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 310 total views

 310 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 1,287 total views

 1,287 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 1,773 total views

 1,773 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 2,169 total views

 2,169 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 2,472 total views

 2,472 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 2,709 total views

 2,709 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,277 total views

 2,277 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,306 total views

 2,306 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 2,620 total views

 2,620 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 2,856 total views

 2,856 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 3,492 total views

 3,492 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 3,748 total views

 3,748 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,131 total views

 4,131 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 4,544 total views

 4,544 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,203 total views

 5,203 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top