HUWEBES, PEBRERO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,851 total views

Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo

Deuteronomio 30, 15-20
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Lucas 9, 22-25

Thursday after Ash Wednesday (Violet)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 30, 15-20

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ang Panginoon, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Mabubuhay kayo nang matagal at kanyang pararamihin kayo. Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang diyos, ngayon pa’y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo. Hindi kayo magtatagal sa lupaing tatahanan ninyo sa ibayo ng Jordan. Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo ang Panginoon, makinig sa kanyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayun, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 17

Sinabi ng Poong mahal:
“Kasalanan ay talikdan,
pagsuway ay pagsisihan;
maghahari nang lubusan
ang Poong D’yos na Maykapal.”

MABUTING BALITA
Lucas 9, 22-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang Anak ng Tao’y dapat magtiis ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”

At sinabi niya sa lahat, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapapahamak?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Huwebes Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo

Tinatawag tayo ng Panginoong Jesus upang sumunod sa kanya, magpasan ng krus katulad niya, at ihabilin sa kanya ang lahat ng nagdurusa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, loobin Mong ang Iyong krus ang aming maging kaligtasan.

Bilang mga kasapi ng Simbahan, nawa’y maisabuhay natin ang diwa ng krus at maging hangang magpakasakit para kay Kristo at sa Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bayan nawa’y mahabag sa mga mahihirap at gawin ang mga nararapat upang puksain ang pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa, mga dukha, maysakit, may kapansanan, at mga bilanggo nawa’y hindi mawalan ng pag-asa, bagkus ay makaranas ng nagpapaginhawang pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-iisa sa buhay nawa’y makatagpo ng mga taong handang dumamay sa kanilang mga problema sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga minamahal na yumao, maging ng kanilang mga naunang pumanaw na mga mahal sa buhay nawa’y makaisa ng Diyos sa Langit, sa magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ang Pagpapakasakit at Pagkamatay ng iyong Anak ang nagbigay ng buhay sa mundo. Tulungan mo kaming alalahanin ang kahalagahan ng mga krus at paghihirap, hindi lamang sa mabibigat na pagsubok, kundi maging sa mga pagpapasyang ginagawa namin sa araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

 

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 37,575 total views

 37,575 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 49,653 total views

 49,653 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 69,065 total views

 69,065 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 80,185 total views

 80,185 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 84,110 total views

 84,110 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, ABRIL 22, 2024

 296 total views

 296 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 1,716 total views

 1,716 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 2,688 total views

 2,688 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 3,653 total views

 3,653 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 4,338 total views

 4,338 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 4,681 total views

 4,681 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

LUNES, ABRIL 15, 2024

 4,905 total views

 4,905 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 5,290 total views

 5,290 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 5,425 total views

 5,425 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 5,629 total views

 5,629 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »

HUWEBES, ABRIL 11, 2024

 6,219 total views

 6,219 total views Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 31-36 Memorial of St. Stanislaus, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 27-33

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 10, 2024

 6,265 total views

 6,265 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 16-21 Wednesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 17-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

MARTES, ABRIL 9, 2024

 6,511 total views

 6,511 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Juan 3, 7b-15 Tuesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 32-37 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol Nagkaisa ang damdami’t isipan ng

Read More »

LUNES, ABRIL 8, 2024

 7,018 total views

 7,018 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Hebreo 10, 4-10 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Annunciation of the Lord (White) UNANG PAGBASA Isaias 7, 10-14; 8, 10 Pagbasa mula sa aklat

Read More »

LINGGO, ABRIL 7, 2024

 6,900 total views

 6,900 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa Mga Gawa 4, 32-35 Salmo 117, 2-4. 16ab-18. 22-24 Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw. 1 Juan 5, 1-6 Juan 20, 19-31 Second Sunday of Easter (White) Divine Mercy Sunday UNANG PAGBASA Mga Gawa 4,

Read More »
Scroll to Top