HUWEBES, PEBRERO 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,918 total views

Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 2, 18-25
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Marcos 7, 24-30

Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 18-25

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Panginoon Diyos, “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.” Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.

Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki,

“Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto;
Babae ang siyang itatawag sa kanya
Sapagkat sa lalaki nagmula siya.”

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.

Kapwa sila hubad, gayunma’y hindi sila nahihiya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

ALELUYA
Santiago 1, 21bk

Aleluya! Aleluya!
Sa kababaan ng loob
dinggin ang salita ng D’yos
upang kayo ay matubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagtungo si Hesus sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman ninuman na naroon siya, subalit hindi gayun ang nangyari. Ang pagdating niya’y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Hesus at nagpatirapa sa kanyang harapan. Ang babaing ito’y Hentil – tubo sa Sirofenica. Ipinamanhik niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak, ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak. Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.” Umuwi ang babae, at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ng demonyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Binuwag ni Jesu-Kristo ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at Hentil. Bilang isang sambayanan ng iisa, bago at walang hanggang Tipan, manalangin tayo sa Amang nagbubuklod sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng lahat ng bansa, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging daluyan ng awa, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad ng mananampalataya nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga simple o walang kuwentang dahilan ng away at hindi pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inang nagiging balisa at nag-aalala tungkol sa kalusugan ng kanilang mga anak nawa’y huwag makalimot na tumawag kay Jesus para sa tulong at ginhawang kinakailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y makatagpo ng kagihawahan sa Diyos ng pag-ibig at awa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sa buhay na ito nawa’y magbunying walang hanggan sa tahanan ng Diyos Ama sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, aming kanlungan at lakas, nais mo na kami ay maging iisang sambayanan. Maging bukas nawa ang aming kalooban sa pangangailangan ng iba at huwag silang ihiwalay mula sa aming pagsasamahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 26,907 total views

 26,907 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 38,985 total views

 38,985 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 58,397 total views

 58,397 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 69,517 total views

 69,517 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 73,443 total views

 73,443 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

Related Story

SABADO, ABRIL 20, 2024

 799 total views

 799 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 1,760 total views

 1,760 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 2,736 total views

 2,736 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 3,423 total views

 3,423 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 3,974 total views

 3,974 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

LUNES, ABRIL 15, 2024

 4,650 total views

 4,650 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 5,046 total views

 5,046 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 5,187 total views

 5,187 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 5,392 total views

 5,392 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »

HUWEBES, ABRIL 11, 2024

 5,982 total views

 5,982 total views Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 31-36 Memorial of St. Stanislaus, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 27-33

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 10, 2024

 6,027 total views

 6,027 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 16-21 Wednesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 17-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

MARTES, ABRIL 9, 2024

 6,273 total views

 6,273 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Juan 3, 7b-15 Tuesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 32-37 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol Nagkaisa ang damdami’t isipan ng

Read More »

LUNES, ABRIL 8, 2024

 6,779 total views

 6,779 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Hebreo 10, 4-10 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Annunciation of the Lord (White) UNANG PAGBASA Isaias 7, 10-14; 8, 10 Pagbasa mula sa aklat

Read More »

LINGGO, ABRIL 7, 2024

 6,661 total views

 6,661 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa Mga Gawa 4, 32-35 Salmo 117, 2-4. 16ab-18. 22-24 Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw. 1 Juan 5, 1-6 Juan 20, 19-31 Second Sunday of Easter (White) Divine Mercy Sunday UNANG PAGBASA Mga Gawa 4,

Read More »

SABADO, ABRIL 6, 2024

 6,043 total views

 6,043 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri kita, D’yos ko, pagkat ako’y dininig mo. Marcos 16, 9-15 Saturday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 13-21 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »
Scroll to Top