Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Setyembre 25, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,750 total views

Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Ageo 1, 1-8
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Lucas 9, 7-9

Thursday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Ageo 1, 1-8

Ang simula ng aklat ni Propeta Ageo

Ikalawang taon noon ng pamamahala ni Haring Dario sa Persia. Nang unang araw ng ikaanim na buwan, tinawag ng Panginoon si Propeta Ageo. Ipinasabi niya kay Zorobabel na gobernandor ng Juda at anak ni Sealtiel at sa punong saserdoteng si Josue na anak naman ni Josadac, “Ganito ang sinabi ng Panginoon: Ipinamamalita ng bansang ito na hindi pa panahon upang muling itayo ang templo.”

Sinabi nga ng Panginoon sa mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Ageo, “Magaganda’t maaayos ang inyo mga tahanan ngunit pinababayaan ninyong wasak ang aking bahay. Isipin ninyo ang inyong kalagayan. Marami ang inyong inihahasik ngunit kakaunti ang inaani. Kumakain nga kayo ngunit hindi nabubusog. Umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan. Kumikita nga ang mga manggagawa ngunit ang kita nila’y parang nahuhulog sa buslong butas. May damit nga kayo ngunit hindi makaalis ng ginaw. Isipin ninyo ang nangyayari sa inyo. Kumuha kayo ng kahoy sa bundok. Gawin ninyo uli ang templo at doon ko ihahayag ang aking kaningningan. Sa gayun, ako’y masisiyahan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

o kaya: Aleluya.

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 7-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagasasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kaya’t ang sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.” At pinagsikapan niyang makita si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Alam natin na napakaraming kasamaan sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, nagapi ni Jesus ang kasamaan. Manalangin tayo sa Ama upang magwagi ang kabutihan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sinagan nawa kami ng iyong liwanag, O Panginoon.

Ang Simbahang naglalakbay nawa’y magbigay ng liwanag sa mga tao para baguhin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tapat na pagsaksi kay Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa nawa’y isuko ang walang saysay na pagkakaroon ng makapangyarihan at mapanirang gamit pandigmaan at sa halip mamuhay sila nang sama-sama, mapayapa at nagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala nawa’y magtagumpay na makamit ang kanilang kalayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y tumangaap ng kalinga ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makalaya na sa mga kaguluhan ng mundong ito at magkamit ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng kasamaan at hayaan mo na ang iyong kabutihan ang patuloy na magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 265,041 total views

 265,041 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 282,009 total views

 282,009 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 297,837 total views

 297,837 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 387,988 total views

 387,988 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 406,154 total views

 406,154 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 67,260 total views

 67,260 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 67,491 total views

 67,491 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 68,024 total views

 68,024 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 49,919 total views

 49,919 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 50,028 total views

 50,028 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top