Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, SETYEMBRE 28, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,694 total views

Paggunita kay San Lorenzo Ruiz at mga Kasama, mga martir

Ageo 1, 1-8
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Lucas 9, 7-9

Memorial of St. Lorenzo Ruiz and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Ageo 1, 1-8

Ang simula ng aklat ni Propeta Ageo

Ikalawang taon noon ng pamamahala ni Haring Dario sa Persia. Nang unang araw ng ikaanim na buwan, tinawag ng Panginoon si Propeta Ageo. Ipinasabi niya kay Zorobabel na gobernandor ng Juda at anak ni Sealtiel at sa punong saserdoteng si Josue na anak naman ni Josadac, “Ganito ang sinabi ng Panginoon: Ipinamamalita ng bansang ito na hindi pa panahon upang muling itayo ang templo.”

Sinabi nga ng Panginoon sa mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Ageo, “Magaganda’t maaayos ang inyo mga tahanan ngunit pinababayaan ninyong wasak ang aking bahay. Isipin ninyo ang inyong kalagayan. Marami ang inyong inihahasik ngunit kakaunti ang inaani. Kumakain nga kayo ngunit hindi nabubusog. Umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan. Kumikita nga ang mga manggagawa ngunit ang kita nila’y parang nahuhulog sa buslong butas. May damit nga kayo ngunit hindi makaalis ng ginaw. Isipin ninyo ang nangyayari sa inyo. Kumuha kayo ng kahoy sa bundok. Gawin ninyo uli ang templo at doon ko ihahayag ang aking kaningningan. Sa gayun, ako’y masisiyahan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

o kaya: Aleluya.

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 7-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagasasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kaya’t ang sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.” At pinagsikapan niyang makita si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Alam natin na napakaraming kasamaan sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, nagapi ni Jesus ang kasamaan. Manalangin tayo sa Ama upang magwagi ang kabutihan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sinagan nawa kami ng iyong liwanag, O Panginoon.

Ang Simbahang naglalakbay nawa’y magbigay ng liwanag sa mga tao para baguhin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tapat na pagsaksi kay Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa nawa’y isuko ang walang saysay na pagkakaroon ng makapangyarihan at mapanirang gamit pandigmaan at sa halip mamuhay sila nang sama-sama, mapayapa at nagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala nawa’y magtagumpay na makamit ang kanilang kalayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y tumangaap ng kalinga ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makalaya na sa mga kaguluhan ng mundong ito at magkamit ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng kasamaan at hayaan mo na ang iyong kabutihan ang patuloy na magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 11,245 total views

 11,244 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 25,204 total views

 25,204 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,356 total views

 42,356 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,772 total views

 92,772 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,692 total views

 108,692 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 18, 2025

 909 total views

 908 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 11, 10-12. 14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y

Read More »

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 1,542 total views

 1,542 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 3, 13-20 Slamo 104, 1 at 5. 8-9. 24-25. 26-27 Nasa isip ng Maykapal

Read More »

Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 1,966 total views

 1,966 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Exodo 3, 1-6. 9-12

Read More »

Martes, Hulyo 15, 2025

 2,502 total views

 2,502 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Exodo 2, 1-15a Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34 Dumulog tayo sa Diyos upang

Read More »

Lunes, Hulyo 14, 2025

 3,555 total views

 3,555 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Exodo 1, 8-14. 22 Salmo 123, 1-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top