Linggo, Agosto 17, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,037 total views

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Jeremias 38, 4-6. 8-10
Salmo 39, 2. 3. 4. 18

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Hebreo 12, 1-4
Lucas 12, 49-53

Twentieth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 38, 4-6. 8-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Noong mga araw na iyon, sinabi ng mga pinuno sa hari, “Kamahalan, dapat ipapatay si Jeremias. Sa kasasalita niya ay matatakot tuloy ang mga kawal pati ang mga mamamayan. Hindi nakatutulong sa bayan ang taong iyan; manapa’y ibig niyang mapahamak tayong lahat.”

Kaya’t sinabi ni Haring Sedequias, “Kung gayon, gawin ninyo sa kanya ang ibig ninyo; hindi ko kayo mapipigil.” Dinakip nila si Jeremias at dinala sa may balon ni Prinsipe Malquias, sa himpilan ng mga bantay. Matapos talian ng lubid, inihugos nila si Jeremias sa balon. Hindi tubig kundi burak ang laman ng balon, kaya lumubog siya sa putik.

Pumunta roon si Ebed-melec at sinabi sa hari, “Kamahalan, masama ang ginawa ng mga pinuno; inihulog nila sa balon si Jeremias. Maaaring mamatay siya sa gutom pagkat wala nang pagkain sa lungsod.” Iniutos ng hari na magsama si Ebed-melec ng tatlong lalaki at pagtulung-tulungan nilang iahon sa balon si Jeremias at baka mamatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2. 3. 4. 18

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon,
at dininig niya ang aking pagtaghoy.

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Sa balong malalim na lubhang maputik
iniahon niya at doo’y inalis,
ligtas na dinala sa malaking bato,
at naging panatag, taglay na buhay ko.

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyosl
ang bawat makasaksi ay matatakot
at sa Poong D’yos magtitiwalang lubos.

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Mahina man ako at wala nang lakas,
ngunit sa isip mo’y di mo kinakatkat;
O aking Tagatulong, Tagapagligtas
Panginoong Diyos, h’wag ka nang magluwat!

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 12, 1-4

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, yamang naliligid tayo ng makapal na saksi, iwaksi natin ang kasalanan, at ang anumang balakid na pumipigil sa atin, at tayo’y buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan. Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos.

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang paglaban ng mga makasalanan upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. Hindi pa humahantong sa pagdanak ng iyong dugo ang pakikitunggali ninyo sa kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 49-53

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.

Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki,
Ang ina at ang anak na babae,
At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Bilang mga alagad ng Panginoon, nakatalaga tayo sa kung ano ang totoo, tapat, mabuti o kapuri-puri. Sa harap ng maraming kahirapang kaugnay nito, hilingin natin ang tulong ng Panginoon at manalangin:

Panginoon, gabayan mo kami!

Nawa’y manatiling matatag ang Simbahan sa pagpapahayag at pagtatanggol sa katotohanan ng
Mabuting Balita sa harap man ng panganib na mawalan ng kaibigan at mga pribilehiyo. Manalangin tayo.

Nawa’y lahat ng ating mga pinuno ay magbigay tuwina ng halimbawa ng tapang sa paninindigan sa katotohanan, katapatan, at katuwiran. Manalangin tayo.

Nawa’y ikintal ng lahat ng magulang, guro, at mamamahayag sa ating kabataan ang tapat na pagpapahalaga sa Kahariang ipinangangaral ni Kristo. Manalangin tayo.

Nawa’y ang ating kabataan ay mahimok na mangakong sumunod sa turo ng Simbahan, nang di
napatatangay sa bulong ng mga paganong uri ng pamumuhay sa ating lipunan. Manalangin tayo.

Panginoong Hesus, maaaring dahil sa katapatan sa iyong mga pagpapahalaga at halimbawa,
makabangga namin ang ibang may kasalungat na paninindigan. Bigyan mo kami ng kailangan naming tapang upang tumulad kami sa iyong katapatan at makabahagi sa iyong kaluwalhatian magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 25,590 total views

 25,590 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 100,204 total views

 100,204 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 180,283 total views

 180,283 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 223,422 total views

 223,422 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 222,977 total views

 222,977 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 18, 2026

 111 total views

 111 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 1,653 total views

 1,653 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 3,193 total views

 3,193 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 4,618 total views

 4,618 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 5,297 total views

 5,297 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top